• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-27 19:35:54    
Torch bearer ng Beijing Olympics na si Shi Bin

CRI
Dahil sa kanyang kasiglahan at kapasidad, nagtagumpay siya. Sinabi ni Shi na tumulong si Jijing sa kanya para sa pagtupad ng kanyang pangarap na naging isang torchbearer. Sinabi niyang, bilang ganti ng lulong nito, dapa niyang samantalahin ang kapasidad na torchbearer para manawagan sa mga mamamayan na tumulong sa mga panda at magbigay-pansin sa gawain ng pangangalaga sa mga panda.

Kaya, lagi niyang iniimbitahan ang iba pang torchbearer na boluntaryong magtrabaho sa base ng panda. Sinabi ni Shi na sa kanyang pagsisikap, mas maraming tao ang nakakaalam na sa panda at kahalagahan ng pangangalaga sa panda at ito rin ang kanyang paraan ng pagtupad ng "Green Olympics". Sinabi niyang:

"Sa paglahok sa pagpili ng mga Olympic torchbearer, ang lahat ng mga kalahok ay hiningang sumulat ng isang kawikaan at ang isinulat ko ay 'pangalagaan ang kalikasan, pansinin ang panda'. Umaasa ako na, sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas maraming tao ang lalahok sa mga aktibidad ng pangangalaga sa panda."

Bilang isang Olympic torchbearer, mas mahigpit ang hinihingi ni Shi sa kanyang sarili sa trabaho. Sinabi niyang:

"Mas malaki ang kompiyensa ko sa aking sarili. Kumpara sa ibang tao, dapat ibayo pang pabutihin ko ang aking gawain. Umaasa akong ibayo pang pataasin ang aking propesyonal na lebel at unti-unting pahuhusayin ang sarili."

Papalapit ang Beijing Olympic Games at buong pananabik niyang inaantabayanan ang Beijing Olympic Games. Tuwing nakikita niya ang countdown clock sa mga kalye, nakakabagbag ang puso niya. Ngayon, bukod sa pang-araw-araw gawain sa base, nagbobody-building siya bawat araw para salubungin ang Olympics Flame sa pinakamabuting lagay ng diwa at pangangatawan.