• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-28 17:38:39    
Pagpigil sa pagganap ng mga salot sa mga nilindol na lugar, maayos at mabisang isinasagawa

CRI

Mahigit 2 linggo na ang nakaraan sapul nang yanigin ng napakalakas na lindol ang Sichuan, Tsina. Sa kasalukuyan, ang pagpigil sa pagganap ng mga salot ay nagsisilbing isa sa mga pangunahing gawain sa mga nilindol na lugar. Kaugnay nito, sinabi kahapon ni G. Sun Jiahai, Tagapagsalita ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina, na may klinika sa lahat ng mga nilindol na lugar at mga pansamantalang purok-panirahan ng mga apektadong mamamayan at kasabay nito, napapasailalim sa regular na disimpeksyon ang nasabing mga pook. Aniya pa, salamat sa mga isinasagawang pagsisikap ng iba't ibang panig, walang naiulat na pagsiklab ng mga nakahahawang sakit sa mga lugar na niyanig ng lindol. Sinabi pa niya na:

"Kasabay ng pagbibigay-lunas sa mga nasugatan sa lindol, aktibo rin kami sa pagpigil sa pagganap ng mga salot sa mga nilindol na lugar. Para rito, 4939 na tauhang medikal mula sa apat na sulok ng Tsina ang naipadala sa mga apektadong pook. Bukod dito, naitatag din ng Ministri ng Kalusugan, kasama ang panig militar, ministri ng agrikultura, ministri ng suliraning sibil, ministri ng seguridad na pampubliko at iba pang panig, ang koordinadong mekanismo para maigarantiya ang kalinisan at pagiging ligtas sa mga nakahahawang sakit sa mga nilindol na lugar. "

Napag-alamang dinidisimpekta ng mga tauhang medikal ang mga nilindol na lugar bawat araw. Nadisimpekta at nahawakan din ang mga bangkay at patay na hayop. Buong-higpit na sinusuri rin ng mga tauhang medikal ang pagkain at tubig na isinusuplay sa mga apektadong mamamayan.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Ministri ng Kalusugan na may iilang inireport na kaso ng pagkahawa ng TB, hepatitis at diyariya, pero, hanggang alas-dose kahapon ng tanghali, walang naiulat na malawakang pagganap ng epidemya sa mga nilindol na lugar.

Binigyang-diin din ng tagapagsalitang Tsino na dahil sa itong panahong ito ng tag-ulan na kung kailan malaki ang posibilidad ng pagganap ng epidemya at sa idinulot na kapinsalaan ng lindol, lumalala ang kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan ng mga apektadong lugar at humihigpit din ang tungkulin ng mga may kinalamang panig na pigilan ang pagganap ng salot. Kaugnay ng mga isasagawang katugong hakbangin, ganito ang tinuran ng tagapagsalita ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina.

"Una, magpapadala kami ng higit pang maraming tauhang medikal para mapigilan ang pagganap ng mga salot sa mga nilindol na lugar. Ikalawa, buong-higpit na makikipagtulungan din kami sa iba pang mga may kinalamang panig para madisimpekta at mahawakan ang mga bangkay ng mga biktima at mga patay na hayop at sa gayon, mapigilan ang pinanggagalingan ng impeksyon. Ikatlo, babakunahan iyong mga madaling mahawahan ng sakit."

Ayon sa plano, bago mag-ika-15 ng darating na Hunyo, inaasahang matatapos ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina ang pagbabakuna laban sa hepatitis A, encephalitis B at iba pang sakit doon sa mga madaling masaktan. Idinugtong ng tagapagsaliltang Tsino na pagdating sa gawain ng pagpigil sa pagsiklab ng mga nakahahawang sakit sa mga nilindol na lugar, hangga't kakailanganin, magpapatuloy sila rito.