• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-28 17:56:25    
Madz: pakikidalamhati sa mga nasawi ng lindol sa Sichuan

CRI

Magandang magandang gabi, mga giliw na tagasubaybay, ito si XJ para sa espesyal na edisyon ng Gabi ng Musika.

Narinig ninyo ang awiting "Ama" na inihatid sa ating masayang pakikinig ng kilalang kilalang Philippine Madrigal Singers o Madz.

Nitong nakaraang Huwebes, ang ipinagmamalaking chorale ng Pilipinas ay nagtanghal sa Beijing ng isang espesyal na konsiyerto na may pamagat na "mga awiting handog sa Sichuan".

Sa mga edisyon ng Gabi ng Musika ngayong araw at bukas, ibabahagi namin sa inyo ang ilan sa mga awiting kinanta ng grupo sa naturang espesyal na pagtatanghal.

Narinig ninyo ang walang-kupas na awiting "Hindi Kita Malilimutan." Siyempre, sino ba naman ang makakalimot sa naganap na traheya at sa lahat ng mga nasawi sa lindol na halos pumulbos sa Sichuan. Sa katotohanan, ang naturang konsiyerto ay isa lamang sa mga aktibidad na nasa pagtataguyod ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina bilang pakikidalamhati sa mga nabiktima ng lindol at paghahatid ng suporta sa rekonstruksyon at reabilitasyon ng mga nilindol na purok.

Tingnan naman natin kung ano ang masasabi rito ng Kanyang Kamahalan Sonia Cataumber Brady, Embahador ng Pilipinas sa Tsina.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si XJ. Ipinapaalala ko na inihahatid namin sa inyo ngayong gabi ang klip ng konsiyerto ng Madz na handog sa mga nabiktima ng lindol sa Sichuan. Narito si Mark Anthony Carpio, choir chief ng Madz hinggil sa dahilan ng pagpalabas ng konsyertong ito.

Sa konsiyertong ito, inihandog ng Madz ang awiting orihinal na kinanta ni Teresa Teng na may pamagat na "Kawangis ng Buwan ang Puso Ko." Ang ating pagmamahal at pag-alaala sa mga nasawi sa lindol ay parang ningning ng buwan--matapat, magiliw, di-nagbabago at dalisay. Ang ibinibigay na tulong ng iba't ibang panig ng Pilipinas ay para ring ningning ng buwan na nakakatulong sa panig Tsino na makaraan sa dilim ng gabi at maiwasan ang anumang sagabal. Bago natin kasiyahan ang awitin, tingnan muna natin kung paano ipinahayag ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Pilipinas ng pangalawang puno ng CPAFFC na si G. Feng Zuoku, isa sa mga may kaugnayan sa nasabing konsiyerto.

Diyan sa puntong iyan nagtatapos ang espesyal na edisyon ng ating Gabi ng Musika. Itong muli si XJ. Maraming maraming salamat sa inyong suporta! Hanggang bukas.