• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-30 18:11:52    
Pamamahagi ng mga materyal na panaklolo sa mga nilindol na lugar, buong higpit na sinusuperbisa

CRI

Sapul nang yanigin ng napakalakas na lindol ang Lalawigang Sichuan, maraming natatanggap na salapi at materyal na panaklolo mula sa loob at labas ng Tsina ang mga nilindol na lugar. Upang maigarantiya ang maayos at makatwirang pamamahagi at paggamit ng nasabing mga materyal na panaklolo, pinag-iibayo ng Pamahalaan ng Sichuan ang pagsusuperbisa rito.

Ayon sa datos, hanggang kahapon, mahigit 6 bilyong Yuan o 850 milyong dolyares na salapi at sangkaterbang materyal na panaklolo ang natanggap ng Sichuan. Kaugnay nito, sinabi ni G. Ren Junnian, opisyal ng Sichuan na namamahala sa inspeksyon sa disiplina, na buong higpit na sinusuperbisa at pinangangasiwaan ng kanyang probinsya ang pagtanggap at pamamahagi ng mga salapi at materyal. Sinabi pa niya na:

"Upang maigarantiya ang maayos na pagtanggap at distribusyon ng mga salapi at materyal na panaklolo, 17 grupo na ang naipadala ng Komite sa Inspeksyon sa Disiplina at Kawanihan sa Superbisyon ng Lalawigang Sichuan sa 11 departamentong probinsyal na namamahala sa pagtanggap ng mga salapi at materyal na panaklolo at 6 na pinakagrabeng nilindol na lugar."

Upang mapangalagaan ang karapatan at interes ng mga nabiktima ng lindol, pinag-iibayo rin ng mga may kinalamang departamento ng Sichuan ang pagpaparusa sa mga ilegal na aksyong ibinunyag ng publiko. Tungkol dito, binigyang-diin ni G. Ren na sinumang matutuklasang manlustay ng salapi o materyal na panaklolo ay bibigyan ng mabigat na kaparusahan. Sinabi niya na:

"Kung matutuklasan naming may mga opisyal na umaabuso ng tungkulin na gaya ng pagbibigay ng toldang panaklolo sa mga kamag-anakan, lalapatan namin sila ng mahigpit na kaparusahan."

Napag-alamang ang National Audit Office ng Tsina ay nagpadala rin ng grupo para superbisahin ang pagtanggap, pag-impok, pamamahagi at paggamit ng pondo at mga materyal na panaklolo.

Bukod dito, ang mga nilindol na lugar ay bumalangkas din ng regulasyon para maayos na pangasiwaan at gamitin ang pondo at materyal na panaklolo. Si G. Zhou Ming, ay isang opisyal mula sa Beichuan County, isa sa mga pinakagrabeng nilindol na lugar at siya ay puno sa grupong lokal na namamahala sa pamamahagi ng salapi at materyal na panaklolo. Kaugnay kung paano pinahihigpit ng kanyang grupo ang pagdidisiplina sa sarili, ganito ang sinabi niya.

"Upang maigarantiya ang pagiging bukas at makatarungan ng aming gawaing panaklolo, inanyayahan namin ang pangalawang direktor ng People's Congress ng Beichuan at isang boluntaryo na superbisahin ang aming pamamahagi at paggamit ng salapi at materyal na panaklolo."

Ipinahayag din ng opisyal ng Sichuan na sa hinaharap, upang ibayo pang superbisahin ang pamamahagi at paggamit ng salapi at materyal na panaklolo at patawan ng mabigat na kaparusahan iyong mga kriminal na sangkot sa ilegal na pagbebenta, pagtitinggal ng materyal na panaklolo o sa ilegal na pagpapataas ng presyo ng mga paninda, buong-higpit na magtutulungan ang mga may kinalamang panig na gaya ng panig ng adminstratibong pamamahala sa industriya at komersyo, panig ng audit, panig ng pagkontrol sa presyo, panig ng superbisyon at inspeksyon sa kalidad ng paninda at panig ng seguridad na pampubliko.