• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-03 18:50:14    
Tsina, buong sikap na nagkakaloob ng sapat na pansamantalang bahay para sa mga nabiktima ng lindol

CRI

Maraming nawawalan ng bahay sa napakalakas na lindol sa Sichuan, Tsina. Upang mabigyan ng kasiya-siyang panirahan ang mga apektadong mamamayan, ipinangako kamakailan ng Pamahalaang Tsino na sa loob ng susunod na tatlong buwan, mag-iinstala ng 1.5 milyong pansamantalang bahay para sa mga nabiktima ng lindol.

Ayon sa pinakahuling datos, mahigit 15 milyong apektadong mamamayan na ang nailipat sa mga ligtas na lugar. Kasabay ng pagsusuplay ng sapat na tolda sa kanila, nag-atas din ang Pamahalaang Tsino sa mga di-apektadong lalawigan at munisipalidad na gumawa at mag-instala ng 1.5 milyong pansamantalang bahay para sa nasabing mga mamamayan na galing sa mga pinakagrabeng nilindol na lalawigan na gaya ng Sichuan, Gansu at Shaanxi sa loob ng susunod na tatlong buwan.

Ayon sa nasabing kautusan ng Pamahalaang Tsino, ang mga di-apektadong lalawigan ay dapat mamahala sa paggawa, paghahatid at pag-iinstala ng mga pansamantalang bahay. Ayon sa requirements, ang nasabing mga bahay-panuluyan ay dapat maging matibay at pananggol laban sa lindol, apoy, hangin, ulan, ginaw at dapat ding magamit ang mga ito ng di-kukulangin sa 3 taon. Meron ding requirements pagdating sa pagtatayuan ng mga mga bahay-panuluyan, istandard ng konstruksyon at mga kinakailangang pasilidad na tulad ng kusina at CR.

Si Pangulong Hu Jintao ng Tsina ay nagsadya kamakailan sa isang bahay-kalakal ng Langfang, lunsod ng Lalawigang Hebei para suriin ang hinggil sa paggawa ng nasabing mga pansamantalang bahay. Ganito ang sinabi sa mga trabahador ng nasabing bahay-kalakal ni Pangulong Hu.

"Sa kasalukuyan, pagdating sa gawaing panaklolo sa mga nilindol na lugar, ang maayos na relokasyon ng mga apektadong mamamayan ay nagsisilbing pinakapriyoridad at kaugnay nito, ang pinakamalaking kahirapan na kinakaharap natin ang kakulangan sa pansamantalang panuluyan. Kaya, umaasa akong patuloy na buong-husay na magtatrabaho kayo para makagawa ng sapat na dekalidad na tuluyan para sa mga apektadong kababayan."

Sa isang bahay-kalakal naman sa Lalawigang Shandong, abalang-abala sa paggawa ng mga pansamantalang kuwarto ang mga trabahador. Ganito ang sinabi ng isa sa mga namamahalang tauhan nito na si G. Li Changzhi.

"Masigla sa trabaho ang lahat ng mga manggagawa dahil gusto naming makapag-ambag sa muling pagtatayo ng tahanan ng mga nabiktima ng lindol."

Kahapon ng hapon, sa Chenjiaba Town ng Beichuan County, isa sa mga pinakagrabeng nilindol na lugar, mahigit 1000 apektadong mamamayan ang nailipat sa 100 bagong-instalang pansamantalang bahay. Sa susunod na ilang araw, higit pang maraming apektadong mamamayan ang maililipat sa ganitong tuluyan. Sinabi ng isa sa mga nakatira sa baong panuluyan na:

"Mas maginhawa ang panuluyang ito kaysa sa mga tolda. Sa suporta ng mga kababayan, lumalakas ang loob namin sa pagsuong sa anumang kahirapan sa hinaharap. "

Ayon sa datos, hanggang unang araw ng buwang ito, mahigit 11 libong pansamantalang panuluyan ang nainstala sa mga nilindol na lugar, mahigit 45 libo ang iniinstala o iinstalahin na at mahigit 81 libong iba pa naman ang naihatid na o maihahatid na sa mga nilindol na lugar. Ayon sa Pamahalaang Tsino, patuloy na pabubutihin ng mga may kinalamang panig ang function at pasilidad ng mga pansamantalang bahay.