• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-04 15:00:14    
Igisa ang piraso ng pato

CRI

Mga sangkap

Isang pato na tumitimbang ng 1000 gramo at inalisan ng laman
75 gramo ng green peppers
75 gramo ng karot
50 gramo ng hamon
100 gramo ng langis na panluto
4 gramo ng asin
1 gramo ng vetsin
150 gramo ng tubig
10 gramo ng mixture ng cornstarch at tubig
10 gramo ng shaoxing wine

Paraan ng pagluluto

Lagyan ng tubig ang isang palayok at ilubog ang pato. Lagyan ng malakas na apoy ang ilalim ng palayok at ilaga hanggang sa maluto ang pato. Alisin ang ulo, leeg at mga paa. Buksan ang pato sa likod at alisin ang lahat ng mga buto. Hiwa-hiwain ang pato sa mga pirasong 4 na sentimetro ang haba at 1 sentimetro ang lapad. Hiwa-hiwain ang green peppers sa mga pirasong 1 sentimetro ang lapad. Hiwa-hiwain din ang karot at hamon sa mga pirasong 5 sentimetro ang haba at 1 sentimetro ang lapad at kapal.

Initin sa kawa ang 75 gramo ng langis na panluto sa temperaturang 180 hanggang 200 degree centigrade at igisa ang mga piraso ng pato. Buhusan ng shaoxing wine at tubig, lagyan ng asin at ihulog ang mga piraso ng green peppers, karot at hamon. Takpan ang kawa at lutuin sa loob ng 5 minuto. Alisin ang takip para sumingaw ang ibang tubig. Kapag malapot na ang sauce, buhusan ng mixture ng cornstarch at tubig. Wisikan ng sesame oil at baligtarin nang ilang beses. Isilbi.

Katangian: may magandang kulay. Masustansiya at malambot ang karne ng pato.

Lasa: maalat at masarap.