• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-04 19:56:34    
Tsina, buong sikap na nabibigyan ng lunas ang mga nasugatan sa lindol

CRI

Mahigit 300 libong mamamayang Tsino ang nasugatan sa lindol sa Sichuan, Tsina. Upang buong-husay na magamot ang mga sugatan, nailipat na mula sa Sichuan ng Pamahalaang Tsino ang bahagi sa kanila para sa ibayo pang paggamot. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 10 libong sugatan na mula sa Sichuan ang nailipat sa iba pang 20 lalawigan, rehiyong awtonomo at munisipalidad ng bansa. Napag-alamang ang lahat ng mga nasugatan sa lindol ang nilalapatan ng Pamahalaang Tsino ng libreng lunas.

Sa Lalawigang Hebei, ganito ang sinabi sa mamamahayag ni Yang Xinjian, Puno ng Kawanihan ng Kalusugan ng lalawigang ito.

"Batay sa kondisyon ng mga sugatan na inilipat sa aming lalawigan, inihatid namin sila sa anim na pinakamahusay na ospital ng Hebei. Makakarekober sila nang mas maaga sa masusing paglunas at pag-aalaga ng mga manggagamot at nars."

Sa Beijing naman, ang lahat ng mga inilipat na sugatan ay naoospital sa kanugnog ng kabisera. Matulain ang kapaligiran ng ospital na ito, magaling ang mga tauhang medikal at sulong din ang mga pasilidad. Ganito ang sinabi ng pangalawang puno nito na si G. Yang Bing.

"Sa katotohanan, upang buong-husay na gamutin ang humigit-kumulang 100 sugatan mula sa Sichuan, naitatag ng Beijing ang grupong medikal na binubuo ng 94 na manggagamot mula sa mga pangunahing ospital ng kabisera. Bukod dito, meron din kaming nutritionist at sikoterapyuta. "

Ikinasisiya naman ng mga sugatan ang buong-ingat na pag-aalaga ng mga manggagamot at nars. Ganito ang sinabi ng isang 79-taong-gulang na sugatang babae.

"Pagkadating ng Beijing, sinalubong kami ng magandang bulaklak at pang-araw-araw na gamit. Parang tahanan dito."

Napag-alamang hindi lamang nalapatan ng agarang lunas ang mga inilipat na sugatan, ang mga residente ng iba't ibang lokalidad ay nagpapahayag din ng kanilang malasakit at pagpapahalaga sa mga sugatan. Sa Qingdao, baybaying lunsod ng Lalawigang Shandong, nang malamang may inihatid na sugatan mula sa Sichuan, ang mga masigasig na residenteng lokal, boluntaryo at mga taga-Sichuan na nagtatrabaho o nag-aaral sa Qingdao ay nagsipahayag ng kanilang asikaso at pag-aalaga sa mga sugatan. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ng isang kapamilya ng isa sa mga sugutan.

"Parang aming sariling tahanan dito sa Qingdao. Maganda ang kapaligiran at maasikaso at masigasig ang mga taga-rito."

Sa kasalukuyan, abalang-abala ang mga ospital ng iba't ibang lugar ng Tsina sa pagbibigay-lunas sa mga inilipat na sugatan para makagaling silang lahat sa lalong madaling panahon at muling manormalisa ang kanilang pamumuhay.

Pagdating sa mga isyu na gaya ng paglilipat ng mga sugatan pagkaraang gumaling sila, magkokoordinahan para lutasin ang mga ito ang iba't ibang may kinalamang panig ng Tsina na tulad ng Ministri ng Suliraning Sibil at Ministri ng Seguridad na Pampubliko.