• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-05 17:20:32    
Tsina, tiligakin ang maayos na paggamit ng lahat ng mga materyal at pondong panaklolo

CRI
Idinaos kahapon ng tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang news briefing para ilahad ang kalagayan hinggil sa pagtatanggap ng Tsina ng mga tulong mula sa komunidad ng daigdig pagkatapos ng napakalaking lindol sa lalawigang Sichuan. Sa news breifing na ito, ipinahayag ng mga opisyal ng Tsina na magsasagawa ang Tsina ng mga hakbangin para igarantiyang ang mga materyal at pondo na panaklolo mula sa loob at labas ng bansa ay aktuwal na gagamitin sa mga mamamayan na naaapektuhan ng lindol. Kasabay nito, winewelkam ng Tsina ang komunidad ng daigdig na magkaloob ng tulong at pagkatig sa rekonstruksyon ng nilindol na purok.

Sa news briefing na ito, isinalaysay ni Wang Zhenyao, puno ng departemento ng panaklolo ng Ministri ng Suliraning Sibil ng Tsina na hanggang alas-12 nang araw rin iyon, ang mga materyal at pondo na iniabuloy mula sa loob at labas ng bansa para sa nilindol na purok na tinanggap na ng Tsina ay nagkakahalaga ng mahigit 43.6 bilyong yuan RMB, at sa mga ito ang mga materyal at pondo na inabuloy ng komunidad ng daigdig ay mga 4.7 bilyong yuan RMB. Ipinangako ni Wang na igagarantiya ng Tsina na ang mga iniabuloy na pondo at materyal ay aktuwal na gagamitin sa mga mamamayan na naaapektuhan ng lindol.

Isinalaysay ni Wang na isinagawa ng Tsina ang isang serye ng hakbangin para igarantiyang ang pamamahala at paggamit sa mga panaklolong pondo at materyal ay angkop sa kinauukulang regulasyon. Sinabi niyang:

(musika 1)"Kung gusto ng mga donator na malaman ang proseso ng paggamit ng mga iniabuloy na materyal, ipagkakaloob namin ang positibong pakikipagkoordina sa kanila. "

Ipinahayag ni Wang na ipagkakaloob ng mga departemento ng Suliraning Sibil ang mas mabuting serbisyo para pakilusin ang lipunan na mas aktibong lumahok sa panaklolo at magsisikap din ito para sa kasiyahan ng mga mamamayan sa mga paggamit ng mga panaklolong materyal at pondo.

Sa news briefing na idinaos kahapon, isinalaysay din ni Zhang Kening, puno ng pandaigdiang departemento ng Ministri ng komersyo ng Tsina na sa proseso ng pagtatanggap ng tulong ng daigdig, isinagawa ng Tsina ang bukas, maliwanag at aktibong pangkooperasyong pakikitungo, bagay na pinapurihan ito sa loob at labas ng bansa. Sa susunod na yugto ng rekonstruksyon pagkatapos ng lindol, ipagpapatuloy ng Tsina ang ganitong bukas na pakikitungo, at tatanggapin ang tulong at pagkatig mula sa komunidad ng daigdig. Ipinahayag niyang ipapaalam ng Tsina sa Komunidad ng daigdig ang kalagayan ng rekonstruksyon at pangangailangan. Sinabi niyang:

(musika)

"Halimbawa, ang mga rekonstruksyon ng pasilidad na pampubliko sa nilindol na purok na kinabibilangan ng opistal, paaralan, mga pasilidad ng kagalingan, at mga isyu ng kapaligiran, lahat ng mga ito ay mga larangang pag-uukulan ng priyoridad sa patakaran ng mga organong pandaigdig sa pagsasagawa ng mga multilateral at bilateral na tulong na nakikipagkooperasyon sa namin. Umaasa kaming sa proseso ng rekonstruksyon sa hinaharap, lubos na gagamitin ang naturang mga tulong para magbigay ng ambag para sa pagnumbalik at pag-unlad sa mga larangan ng nilindol na purok na tulad ng edukasyon at kalusugan."

Bukod sa pag-aabuloy ng mga materyal at pondo, ipinadala ng mga bansa at rehiyon ang pangkagipitang grupong panaklolo at grupong medikal sa mga nilindol na purok. Sa news briefing, ipinahayag ni QinGang, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina ang lubos na pasasalamat ng Tsina dito at nakahandang patuloy na makipagkooperasyon sa iba pang bansa sa larangan ng panaklolo at pagpigil sa kalamidad.

Salin:Sarah