• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-06 18:34:00    
Tsina, binabalangkas ang plano ng rekonstruksyon sa mga nilindol na purok

CRI

Isiniwalat kahapon dito sa Beijing ng opisiyal ng Ministry of Housing and and Urban-Rural Construction ng Tsina na pinaplano ng Tsina na gagamit nang 3 taon para mapanumbalik ang imprastruktura, kabahayan ng mga mamamayan at iba pa sa mga nilindol na lugar at pagkaraan nito, gagamit pa nang 5 taon para komprehensibong mapaunlad ang lipunan at kabuhayan sa nasabing mga poruk.

Sa isang news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, isinalaysay ng mga opisiyal ng nabanggit na ministri ang hinggil sa plano ng rekonstruksyon at reabilitasyon ng mga nilindol na lugar.  Sinabi ni Qi Ji, Pangalawang Ministro ng Pabahay at Konstruksyon ng Tsina na ang planong ito ay sumasaklaw sa kayarian ng mga sinalantang lunsod at bayan, konstruksyon sa kanayunan at pagtatatag ng pabahay. Sa kasalukuyan, isinasagawa ang pagbabalangkas ng planong ito.

Dahil grabe ang kapinsalaan ng mga lunsod at bayan na dulot ng lindol, sa plano ng rekonstruksyon, ang pinakamaraming pansin ay ibinibigay sa pagpaplano ng kayarian ng mga sinalantang lunsod at bayan. Isinalaysay ni Qi ang hinggil dito.

"Pagkaraan ng kalamidad, ang pangunahing target ng rekonstruksyon ng mga sinalantang lunsod at bayan ay komprehensibong magbalak hinggil sa kayarian ng mga ito,  magtakda ng plano hinggil sa lokasyon, saklaw ng rekonstruksyon at kayarian ng mga kailangang ilipat na bayan at nayon, bumalangkas ng plano hinggil sa panrehiyong kayarian ng impraestruktura at tasahan ang kalagayan ng pagkasira ng mga lunsod na may halagang kultural at historikal na relikya."

Bukod dito, ang pagtatatag ng mga bahay ay nagiging isa sa mga priyoridad ng plano. Ipinahayag ni Qi na upang mapabuti ang planong ito, ang diin ay ilalagay sa mga gawain sa 3 aspekto.

"Una, komprehensibong tasahan ang kalagayan ng pabahay sa mga nilindol na lugar, ikalawa, magplano hinggil sa saklaw at istandard na panteknolohiya ng rekonstruksyon at ikatlo, iharap ang mga mungkahi hinggil sa mga patakarang may kinalaman sa pagtatatag ng pabahay."

Ipinahayag niyang ang naturang plano ay ipapalabas sa publiko at ipapadala sa mga administrasyon ng konstruksyon para maaprobahan.

Isiniwalat naman ni Tang Kai, Puno ng Departemento ng Pagplano sa ilalim ng Ministry of Housing and and Urban-Rural Construction ng Tsina na ayon sa kahilingan ng sentral na pamahalaan, matatapos ang rekonstruksyon sa mga nilindol na purok sa loob ng 8 taon. Sinabi niyang:

"Ayon sa kahilingan ng estado, ang 8-taong plano ay kinabibilangan ng isang 3-taong plano at isang 5 taong plano. Sa unang 3 taon, buong-sikap na mapapanumbalik namin sa lalong madaling panahon ang pinakamahalagang impraestruktura, instalasyong pampubliko at mga bahay ng mamamayan sa lebel bago ang lindol at ang susunod na 5 taon ay para sa komprehensibong pagpapaunlad at pagpapataas ng mga ito. "

Sinabi ni Tang na sa proseso ng rekonstruksyon ng mga nilindol na purok, isasaayos at pabubutihin ng mga may kinalamang departamento ang plano ayon sa aktuwal na kalagayan. Ipinahayag niyang kinakaharap ng rekonstruksyon ang mga mahirap na tungkulin, nguni't, ipinahayag ng mga lider ng Tsina na pakikilusin ang lakas ng buong bansa para kumatig sa mga nilindol na purok, kaya, tiyak na matutupad ang target na itinakda sa plano sa itinakdang panahon.

salin:wle