Pagkatapos ng pagganap ng malakas na lindol sa lalawigang Sichuan, magkakasunod na nagbibigay ang iba't ibang sirkulo ng Tsina ng puspusang tulong sa relief work. Agarang nagbenta ang Tibetanong manunulat na si A Lai, kasama ng iba pang 9 na kilalang manunulat, ng kanilang katha para mag-abuloy sa sinalantang purok.
Isinilang si A Lai noong 1959 sa bayang Maerkang ng purok na Tibetano ng Aba sa dakong hilagang kanluran ng Sichuan. Nang maganap noong ika-12 ng nagdaang buwan ang malakas na lindol sa Sichuan, si A Lai ay nasa kaniyang tahanan sa Chengdu. Nang sariwain ang kalagayan noong panahong iyon, sinabi niya na:
"Nasa bahay ako noong panahong iyon, nadama kong malaki ang pag-yanig at talaga sa labas ng inakala ko. Nakakaantig-damdamin ang mga bagay na naganap pagkatapos ng lindol at sa kasalukuyan, naganap ang ganitong bagay tuwing oras."
Pagkatapos ng pagganap ng lindol, naantig si A Lai ng maraming tao at bagay, ipinalalagay niya na dapat gumawa siya para rito. Ipinagkaloob niya ang bahagi ng bayad sa kaniyang mga katha at kasabay nito, nangalap siya ng pondo mula sa lipunan. Sinabi niya na:
"Sa katunayan, nais kong mag-abuloy para tulungan ang rekonstruksyon ng mga paaralan sa sinalantang purok. Nakikita nating napakalaki ng kapinsalaan ng mga paaralaan doon at ang nilindol na purok ay aking lupang-tinubuan naman."
49 na taong gulang si A Lai, ang kaniyang ina ay Tibetano at ang kaniyang ama ay lahing Hui. Nahubog ng ganitong pamliyang binubuo ng magkaibang lahi ang kaniyang pagkaheneral at kaluwagang-loob.
Nagtapos si A Lai ng kaniyang kurso sa Maerkang Normal College at nagtrabaho siya nang 5 taon bilang guro sa nayon at sa kasalukuyan, nanungungkulan siya bilang chief editor ng Science Fiction World. Inilimbag ang mga katha niya na kinabibilangan ng mga nobela, tula, salaysay at iba pa. Ang kaniyang nobelang "Dust in the Air Has All Fallen" ay ginawaran noong 2000 ng ika-5 Mao Dun Literature Prize, pinakamataas na gantimpala ng mga nobela sa Tsina.
|