• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-11 17:28:22    
Priyoridad sa mga nilindol na lugar, dumako sa pagpigil sa pagganap ng salot

CRI

Ayon sa opisyal mula sa Ministri ng Kalusugan ng Tsina, sa kasalukuyan, natatapos na sa kabuuan ang malawakang pangkagipitang panaklolong medikal sa mga nilindol na lugar at sa susunod na yugto, magsasagawa ang panig Tsino ng lahat ng magagamit na hakbang para mapigilan ang pagsiklab ng mga nakahahawang sakit sa mga apektadong lugar.

Sa isang preskon kahapon, inilahad ni Mao Qun'an, tagapagsalita ng nasabing ministri na, sapul nang maganap ang lindol sa Sichuan noong ika-12 ng nagdaang Mayo, mahigit 10 libong tauhang medikal ang naipadala sa mga sinalantang lugar ng iba't ibang may kinalamang ahensiya ng Tsina. Bukod dito, nabalangkas din ang Plano hinggil sa Kalusugan at Pagpigil ng Salot sa mga Nilindol na Lugar. Salamat sa nasabing mga hakbangin, maayos at mabisang sumusulong ang panaklolong medikal sa mga apektadong purok. Sinabi pa ni Mao na:

"Sa kasalukuyan, natatapos na sa kabuuan ang malawakang pangkagipitang panaklolong medikal sa mga nilindol na pook. Mahigit 10 libong nasaktan sa lindol ang nailipat sa iba pang mahigit 20 lalawigan para sa ibayo pang paggamot at ang mga malubhang nasugatan ay binibigyan ng buong-ingat na lunas."

Aniya pa, patuloy na gagamutin ng mga ospital ang mga malubhang nasaktan sa lindol at kasabay nito, patuloy na lalapatan ng sikoterapiya ang mga apektadong mamamayan. Binigyang diin niyang ang pinakapriyoridad ngayon ang pagpigil sa pagganap ng salot sa mga nilindol na lugar. Hanggang kahapon, walang iniulat na pagganap ng nakahahawang sakit sa mga sinalantang lugar.

Gayunpaman, ipinagtapat ng tagapagsalitang Tsino na nananatili pa ring malaki ang panganib ng pagganap ng nakahahawang sakit sa mga sinalantang lugar. Kaugnay ng mga isinasagawang katugong hakbangin, ganito ang tinuran niya.

"Sa mga pansamantalang purok-panirahan ng mga apektaong mamamayan, napag-iibayo na namin ang disimpeksyon at superbisyong pangkalusugan at pangkalinisan. Kasabay nito, buong higpit na sinusubaybayan namin ang pinanggagalingan at kawalang panganib ng mga pagkain at tubig na maiinom. "

Sinabi ng tagapagsalitang Tsino na kahit malubhang napinsalaan ng lindol ang sistema ng pag-uulat hinggil sa kalagayang epidemiko, sa pamamagitan ng cell phone, ang superbisyon sa kalagayang epidemiko ay sumasaklaw na sa lahat ng mga nilindol na purok at mga pansamantalang tirahan. Idinugtong niyang iilan lamang ang natanggap nilang ulat hinggil sa naganap na kaso ng TB, hepatitis at diyariya at hanggang sa kasalukuyan, walang ibinalitang naganap na epidemiya sa mga nilindol na lugar.