Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Ai Dai na nagbubukas sa ating munting programa sa awiting "Ulap at Buwan" na hango sa album na may katulad na pamagat.
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng China Radio International. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Mayroon tayong snail mail mula sa New Territories, Hong Kong. Sabi ni Kris Sagun, ang nagpadala: "Sana itigil na ang pagko-convert sa mga agricultural lands sa residential lots. Kailangang kailangan natin ng malawak na lupa na tatamnan ng palay. Kinakapos tayo sa bigas kasi maliit ang ani at ang isa sa mga dahilan ay ang paunti nang paunting lupa na taniman ng palay. Dapat gamitin din natin ang mga subok nang paraan na tulad ng hybrid."
Iyan naman ang Everything but the Girl sa awiting "I Don't Wanna Talk About It" na lifted sa Closer: When Pop Meets Jazz" album.
Bigyang-daan naman natin ang e-mil ni Plum Regalado ng College of Philosophy and Letters ng University of Santo Tomas. Sabi: "Kuya, nagustuhan ko ang inyong series hinggil sa Beijing Olympics at hinggil mismo sa Olympics in general. Marami akong napulot na mahahalagang impormasyon. Dito ko nalaman ang hinggil sa Bird's Nest at Aquatic Center at limang mascots ng Beijing Olympics at mga dinaanan ng sulo. Sana in future, mayroon pa kayong ganito."
Thank you sa e-mail, Plum. Umasa ka, meron pa.
Mula sa collective album na may pamagat na "Hotsilog," iyan ang awiting "Panaginip" ni Rachelle Ann Go.
Mga SMS naman.
Sabi ng 917 401 3194: "Less than a hundred days na lang ang 2008 Beijing Olympics. I am hoping ang praying for the best. Makikita natin ang result ng maraming taong preparation ng Beijing."
Salamat sa iyo.
Sabi naman ng 915 807 5559: "Sa liwanag ng sulo ng Beijing Olympics, let the power of light be the power of love. Puro kaguluhan na tayo sa mundo. Sana tumahimik naman. Haaay, naku!"
Salamat din sa iyo.
Iyan naman ang Weather Report sa tugtuging "Birdland" na hango sa collective album na pinamagatang "Jazz Moods Volume 1."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|