• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-12 18:38:21    
Nitong nagdaang buwan, karapat-dapat na itala sa kasaysayan

CRI

Ngayong araw ay ika-12 ng buwan ng Hunyo. 1 buwan na ang nakaraan, may naganap na napakatinding lindol sa Sichuan, Tsina na may lakas na 8 sa Richter Scale. Malaki ang kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian na dulot ng nasabing lindol. Hanggang alas-dose kahapon, 69,146 ang namatay sa lindol, mahigit 370 libo ang nasaktan at mahigit 17 libong iba pa ang nawawala.

Pagkaraang maganap ang lindol, nagpalabas ang Itar-Taas ng artikulong pinamagatang "Tsina, Magpakatatag!" na nagsasabing kahit maraming naranasang pagdurusa ang Tsina, hindi kailanman nangangayupapa ang Tsina. Ganoon din kalakas ng loob ng mga mamamayang Tsino sa pagharap sa naganap na lindol. Ganito ang sinabi ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina nang bumisita siya sa mga apektadong mamamayan sa Sichuan.

"Buong tatag na nananalig akong hinding hindi yuyuko ang mga mamamayang Tsino sa anumang kahirapan!"

Pagkaraang yanigin ng lindol ang Sichuan, umaksyon kaagad ang pamahalaan ng Tsina sa iba't ibang antas. Salamat sa mabilis at mabisang koordinasyon ng iba't ibang departamento at yunit Pamahalaang Tsino, napapahupa hangga't maaari ang kapinsalaang dulot ng lindol. Makikintal sa kasaysayan ang isinasagawang pagsisikap ng Pamahalaang Tsino.

Narinig ninyo ang tinig ng mga kawal habang nagliligtas sila ng mga nalilibing sa guho. Hanggang sa kasalukuyan, maraming kawal at armadong pulis ang naipadala sa mga nilindol na lugar para sa mga gawaing panaklolo. Ang kanilang kagitingan ay lubusang nakaantig-damdamin. Hindi malilimutan ng kasaysayan ang ibinibigay na ambag ng mga kawal na Tsino.

"Bilang isang boluntaryo, noong araw, nagsasagawa ako ng gawaing panaklolo sa hukbo. Kaya, sa tingin ko, sa paggamit ng aking karanasan sa paghahanap at pagliligtas, maaari akong magbigay-tulong sa paghahanap at pagliligtas ng higit pang maraming kababayang nakabaon sa guhong dulot ng lindol."

Ang karirinig ninyo ay tinig ng isa sa mga boluntaryo sa mga nilindol na lugar na si Chen Yan. Pagkaraan ng lindol, agarang sumaklolo sa mga apektadong lugar ang iba't ibang saray ng lipunan na gaya ng transportasyon, telekomunikasyon at panig medikal. Hindi mabubura sa kasaysayan ang kanilang ibinibigay na walang-pag-iimbot na ambag.

"Tulad ng alam ng lahat, ang mga pananalasa ng kalikasan na tulad ng lindol ay hindi maiiwasan ng anumang bansa, datapuwat, kung magkakapit-kamay tayo, maaari nating mapahupa, sa abot ng makakaya, ang epektong dulot ng kalamidad. Laging sumasainyo kami!"

Narinig ninyo ang tinig mula kay Ivanius Alexander, pangalawang puno ng grupong medikal ng Rusya sa nilindol na Sichuan. Maraming maraming salamat sa ipinagkakaloob na tulong sa Tsina mula sa apat na sulok ng daigdig at hindi kailanman makukupas ang alaala at pasasalamat ng mga mamamayang Tsino sa inyong ibinibigay na tulong.

"Buong pursigi naming muling itatayo ang aming tahanan!"

Narinig ninyo naman ang tinig ng mga apektadong mamamayan. Sa kasalukuyang, abalang-abala ang mga sinalantang lugar sa rekonstruksyon. Makikintal sa kasaysayan ang lakas-loob ng mga apektadong mamamayan.