• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-18 16:21:48    
Youyi Pass

CRI
Ang Rehiyong Autonomo ng Guangxi ay nasa Timog Kanluran ng Tsina na kahangga ng Byetnam at ay isa rin itong rehiyon ng Tsina na kahangga ng ibang bansa. Dadalhin namin kayo sa rehiyong ito para magtamasa ng maririkit na natural na tanawin.

Nang dumalaw sa Ilog Zuo ng Guangxi, malimit na naririnig ang panganganta ng mga babae ng lahing Zhuang. Habang nanganganta sila'y tumutogtog pa ng instrumentong musikal.

Ang instrumentong itong tawag na Tianqin ay isang katangi-tanging plucked instrument. Ang matandang instrumentong ito ng lahing Zhuang ay may mahigit isang libong taong kasaysayan. Maririnig mo sa susunod na ilang minuto'y ang isang awit na sinasaliwan ng Tianqin.

May 9 na kilalang pass sa Tsina na gaya ng Shanhai Pass sa Lalawigang Hebei, Jiayu Pass sa Lalawigang Gansu at Juyong Pass sa karatig ng Beijing. Nguni't hindi na ginagamit ngayon ang naturang mga pass na ito, bukas lamang ang mga ito sa publiko bilang mga nakasaysayang lugar. Pero, tanging Youyi Pass sa hanggahan ng Tsina at Byetnam ang ginagamit pa hanggang ngayon bilang mahalagang daanan ng pagpapalitan ng mga mamamayan ng 2 bansa.

Nagtatayuan ang mga matalik na bundok sa magkabilang panig ng Youyi Pass at mula pa noong unang panahon ang daanang ito ay pinag-aagawan ng nagsasagupa ang pinag-aagawan ng nagsasagupaang panig. Noong katapusan ng ika-19 siglo, pina-urong ng tropang Tsino ang mapanalakay na tropa ng Pransya.