• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-19 17:44:15    
Kuwento ni Chen Fengrong

CRI
Isasalaysay namin sa inyo ang kuwento ukol sa 20-taong pangangalakal sa mainland ng Tsina ni Chen Fengrong.

Ang tirahan ng ninuno ni Chen ay sa lunsod ng Quanzhou ng Lalawigang Fujian sa Timog Silangang Tsina. Sa kasalukuyan, si Chen Fengrong ay Tagapangulo ng Quantong Group ng Taiwan, noong 1986, dumalaw siya sa lunsod ng Guangzhou. Noong 1980's sa nakaraang siglo, napakaatrasado ng pag-unlad ng Guangzhou, pero, ipinasiya ni Chen na mamuhunan sa mainland at itinatag niya ang daungan puwerto ng Huangpu ng Guangzhou para sa usaping pantransportasyon. Sinabi ni Chen na ito ay dahil na mabuti ang potensiyal ng pag-unlad ng kabuahayan sa mainland at may maraming preperensiyal na patakaran sa mainland para sa mga mangangalakal ng Taiwan.

Sinariwa ni Chen na :

"Sa simula, nang mag-negosyo ako sa Guangzhou, nagbibigay-tulong ang lokal na pamahalaan sa akin sa iba't ibang aspekto. Bilang mangangalakal mula sa Taiwan, may ilang bentahe, alalaong baga'y, nagtamasa ng pangangalaga mula sa pamahalaan."

Sa ilalim ng naturang mga bentahe, unti-unting tumahak sa isang landas ng mabilis na pag-unlad ang negosyo ni Chen Fengrong.

Nang mabanggit ang pag-unlad ng kabuhayan ng maniland, lipos ng pananalig si Chen, sinabi niyang:

"Hindi mailalarawan ang pagiging pag-unlad ng mga lunsod na gaya ng Guangzhou, Shenzhen at Shanghai, nananlig akong sa susunod na 10 taon hanggang 15 taon, tiyak na uunlad pa ang kabuhayan at lipunan sa mainland at ito ay hindi maipagkakaila. Sa katunayan, positibo ang pananaw ko sa paglaki ng kabuhayan sa hinaharap, kaya, umaasa akong uunlad ang usapin ng aking anak sa mainland at mapapabuti ito, sa kasalukuyan, mabuti na ang kanilang ginagawa dito. "