• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-20 17:53:08    
Embahador ng Myanmar: ipinagmamalaki ng lahat ng mamamayang Asyano ang Beijing Olympic Games

CRI
Mula sa pagpapakita ng pambansang football team ng Myanmar sa Asian Cup qualifiers, sinimulang malaman ng mga mamamayan ang palakasan ng Myanmar. Anu-ano ang kalagayang pangkaunlaran ng palakasan sa Myanmar? Pagkaraan ng grabeng kapahamakang pangkalikasan, lalahok o hindi sa nakatakdang panahon ang Myanmar sa kasalukuyang Olympic Games? Kaugnay ng nasabing mga tanong, kinapanayam ng aming mamamahayag ang embahador ng Myanmar sa Tsina.

"Ang CRI ay tulay sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at Myanmar sa pagpapahigpit ng pag-uunawaan, tuwang-tuwa ako na kinapanayam ninyo ako. Ang Olympic Games ay kapistahang pampalakasan ng buong sangkatauhan. Ipinalalagay kong ang islogang one world, one dream na iniharap ng Beijing Olympic Games ay nagpapakita ng diwa ng Olympic Games."

Si U Thein Lwin, embahador ng Myanmar sa Tsina, ay isang sundalo minsan. Isinalaysay niyang ang Tsina ay pangkaibigang kapitbansa ng Myanmar, ang pagdaraos ng Olympic Games sa pamilya ng kapitbahay ay tiyak at buong lakas na kinakatigan ng Myanmar. Magpapadala ang Myanmar ng pinakamahusay na delegasyon sa kasaysayan sa paglahok sa Olimpiyadang ito. Lalahukan ng delegasyong pampalakasan ng Myanmar na pinamumunuan ng ministrong pampalakasan ang mga event of track and field, Aquatics, archery, taekwondo, at iba pang paligsahan. Ipinahayag naman ni U na inaasahan niyang makikita ang mga manlalaro ng Myanmar na magtamo ng medalya sa Olympiyada.

"Kaunti ang karanasan ng mga manlalaro naming sa paligsahang pandaidig. Ang pagkamit ng isang medalya sa Olymipiyada ay pangarap ng bawat manlalaro, kung hindi makukuha ang medalya, magsisikap pa rin sila para sa karangalan ng kanilang bansa.

Kahit hindi natamo ang breakthrough ng Myanmar sa kasaysayan ng Olympiyada na nagwagi ng medalya, nitong ilang taong nakalipas, salamat sa pagpapahalaga ng Myanmar sa pagpapaunlad ng usaping pangpalakasan, at pagpapadalas ng pagpapalitan nila ng bansang dayuhan, sa ilang event na gaya ng weight lifting, martial arts, archery, rattan ball at iba pa, ipinakikita ng Myanmar ang napakalakas na kakayahan. Bukod dito, ang football at golf ay paglalaro ay ikinagigiliwan ng mga mamamayan ng Myanmar.

Sinabi pa ni U na nanonood pa siya ang progremang pangpalakasan sa TV, siya ay fans nina Liu Xiang, Yao Ming at iba pang manlalarong Tsino at inaasahang matatamo nila ang magandang resulta sa Olympic Games.

5 taon na ang nakakalipas, sapul nang manungkulan siya bilang embahador ng Myanmar sa Tsina,. Sinabi niya sa mamamahayag na nitong ilang taong nakalipas, nakita niya ang pagbabago ng Beijing na dinulot ng pagdaraos ng Olympic Games, nagiging mas moderno ang Beijing, nagkakaisa ang mga mamamayang Tsino para salubungin ang Olympic Games. Ipinakita nito ang malakas na diwa ng nasyon. Sinabi niyang

"Sa yugto ng paghahanda para sa Olympic Games, kahanga-hanga ang diwa ng nasyon na ipinakikita ng mga mamamayang Tsino. Sa tingi ko, ang kasiglahan sa Olympic Games ay lubos na nagpapatingkad ng nasabing diwa.

Ipinahayag pa ni U na siya'y lubos na pinahahanga ng isa pang bagay na inaangkin ng mga mamamayang Tsino na alalong baga'y, malakas na kalooban. Sinabi niyang

"Pagpasok sa kasalukuyang taon, nasalanta ang Tsina ng napakalaking kalamidad ng niyebe at pagyeyelo at lindol. matapang na hinaharap ang banta ng kalamidad ng mga mamamayang Tsino. Nagsuri sa apektadong lugar pagkaganap-pagkaganap ng lindol ang mga lider na Tsino, masyadong makabagbag-loob ako. Hindi yuyukod ang Tsina sa anumang kahirapan, nananalig akong tiyak na maihahandog ng mga mamamayang Tsino ang isang magandang Olympic Games at ipagmamalaki ito ng mga mamamayan ng buong Asya.