• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-23 16:43:17    
Teknolohiya, naging mas maluningning ang Beijing Olympic Games

CRI
Sa kasaysayan ng Olympic Games sa modernong panahon, ang bawat pagdaraos nito ay pagdidispley ng bagong teknolohiya, walang eksepsyon ang 2008 Beijing Olympic Games na may diwang "High-tech Olympics". Ginagamit ang teknolohiya sa pagtatatag ng mga pasilidad, pagpapalaganap ng impormasyon, komunikasyon at transportasyon at iba pang larangan.

Bagong itinatag ng Beijing ang 12 pasilidad para sa 2008 Beijing Olympic Games at maraming teknolohiya ang ginamit sa mga ito.

Ang kabuuang balangkas ng asero ng bumagtas nang National Stadium ay halos 340 metro, ang taas nito ay 68 metro at ang kabuuang bigat ay 42 libong tonelada. Ngnit walang iisang haligi sa loob ng pasilidad. Ayon sa pagsasalaysay ni Li Linjiu, namamahalang tauhan sa pagtatatag ng mga pasilidad na pampalakasan, na gumanap ng mapagpasiyang papel ang isang uri ng laminadong asero na sariling nadebelop ng Tsina. Ang bigat na matatagalan ng naturang laminadong asero ay dalawang ulit ng pangkaraniwang laminadong asero.

Sa pagtatatag ng mga pasilidad, ginamit din ang mga bagong materyal at bagong teknolohiya para panganlagaan ang kapaligiran at mapatipid ang yaman. Halimbawa, ang pader ng glass na nasasagap ang solar-power ay ginamit sa maraming pasilidad para suplayan ng koryente. Sa 15 pasilidad, ginamit ang sistema ng pagbawi at paggamit ng tubig ng ulan at puwede itong lumikom ng isang milyong metrong kubikong tubig bawat taon.

Bukod dito, gagamitin ang mahigit 500 bus na ginamit ang bagong yaman sa panahon ng Beijing Olympic Games. Aabot sa 26% ang pagsuplay ng green energy sa mga pasilidad at aabot sa 100% ang rate ng pagtrato at paggamit ng duming tubig sa mga pasilidad.

Para mapahupa ang kalagayang matrapiko sa mga lansangan, malawak na gagamitin sa panahon ng Beijing Olympic Games ang espesyal na navigator. Isinalaysay ni Wang Gang, direktro ng Beijing Transportation Information Center, na:

"Kapag kakabitan ang mga kotse ng navigator na ito, puwedeng malaman ng mga tsuper ang kalagayan sa harap at kalagayan sa paligid. Ang impormasyon sa hinggil sa mga daan ay babaguhin bawat limang minuto."

Gagamitin din ang bagong sobirkadong teknolohiya sa pagsusuri ng seguridad ng mga pasilidad. Isinalaysay ni Yang Yichun, direktor ng siyensiya at teknolohiya ng Beijing Organizing Committee, na:

"Gagamitin namin ang bagong teknolohiya para maigarantiya ang seguridad sa panahon ng Olympic Games. Pangunahing gagamitin ang mga ito sa seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Olympic Games para matuklasan ang peke."

Ang naturang teknolohiya ay tinawag na "Face Recognition Technology". Kapag dumaan ang mga manonood sa security gate, puwedeng kunin ng sistema ang pinong katangian ng mukha ng isang tao sa 0.01 sekundo at sa gayo'y matiyak ang tunay na intentidad ng tao.

Sa panahon ng Olympic Games, tatamasahin ng mga atleta at manonood ang ginhawang dulot ng bagong teknolohiya. Bukod dito, ibayo pang palalaganapin ang paggamit ng mga ito para sa kabutihan ng mga mamamayan. Sinabi ni Wan Gang, Ministro ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina, na:

"Pagkatapos ng Beijing Olympic Games, gagamitin ang mga kotseng gamit ang bagong enerhiya sa mas maraming lunsod. Gagamitin din ang sistema ng pagtrato ng duming tubig sa mga komunidad para makatipid ng tubig. Gagamitin sa komunikasyon sa buong bansa ang bagong teknolohiya."