• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-24 19:34:11    
Gawaing panaklolo sa lindol ng Sichuan

CRI
Pagkaraan ng lindol, ang mga nagtatrabaho sa larangan ng pag-aaral at pangangalaga ng mga relikya ang nagbabantay on duty sa 24 oras bawat araw. Sinabi ni Wang Qiong, Pangalawang direktor ng Sichuan Cultural Relics Bureau, na:

"Ang Cultural Relics Bureau ng Dujiangyan ay isang yunit na grabeng tinamaan ng lindol. Sa tinggalan nito ay may maaring pambihirang relikya. Maraming bahagi nito ay mga relikya na yari sa paper. Ang lindol ay sinundan ng malakas na ulan. Kung aabutin ang mga ito ng ulan, masisira lahat. Ang mga tauhan ng buro ay sumugod sa loob ng nagpapagiray-giray na tinggalan at inilabas ang lahat ng relikyang paper."

Natamo ng pagsisikap ng mga yunit ng pangangalaga ng relikya sa Sichuan ang pagkatig ng State Cultural Relics Bureau at iba't ibang museo ng Tsina. Pagkatapos ng lindol, mabilis na ipinadala ng State Cultural Relics Bureau ang working group ng mga dalubhasa patungong mga nilindol na purok para makipagtulungan sa mga katrabaho sa lokalidad sa pagsagip, pangangalaga at paglipat ng mga relikya at gumawa ng pagtasa sa kapinsalang dulot ng lindol.

Ngayon, ang papaanong pagharap ng di-inaasahang kapahamakang pangkalikasan ay naging isang bagong paksa ng gawain ng pangangalaga sa mga relikya. Sinabi ni Ginang Wang na:

"Pagkaganap ng lindol na ito, may mga aral na dapat naming lagumin. Dati, pinahalagahan namin ang temperatura at humidity ng mga lugar na pinag-iimbakan ng mga relikya at hindi binigyan ng maraming pansin ang mga kapahamakang pangkalikasan. Isa pa, mas mahalaga ang pag-sasarbey at pagpaplano ng mga kinaroroonan ng mga relikya sa rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad. Ikatlo, sa isasagawang gawain ng rekonstruksyon, dapat isaalang-alang na kung paanong siyentipikong itayo at tasahan ang mga tinggalan ng mga relikya at kung saan ang maligtas sa pagtatayo."

Sa kasalukuyan, natapos na sa kabuuan ang plano ng pagsagip at pangangalaga sa pamana ng mga relikyang kultural sa lindol sa Sichuan at nagsimula ang pagtatalo ukol sa pagtatatag ng museo ng guhong naiwan ng napakalakas na lindol. Sa susunod na 3 hanggang 5 taon, matatapos ang pagkukumpuni at rekonstruksyon ng mga relikyang nakapinsala sa lindol.