Magandang- magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa isa na namang espesyal na edisyon ng Gabi ng Musika.
Inuulit ko ang aking taos-pusong pasasalamat, sa ngalan ng mga kasamahan ko sa Serbisyo Filipino, sa lahat ng mga kaibigan na patuloy na nagpapahayag ng pag-aalala sa kalagayan ng mga mamamayan ng Sichuan na nasalanta ng lindol. Isang bagay lang ang masasabi ko: You are great!
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Bridge Over Troubled Water" ng Various Artists.
Pakinggan ninyo itong dalawang SMS na ito na parehong may kinalaman sa Araw ng Pagkakaibigang Sino-Pilipino.
Sabi ng 0086 134 2637 7760: "Naku, Kuya Ramon, paano ba itong celebration ng Filipino-Chinese Friendship Day? Hindi pa tapos ang problema sa lindol, eh."
Sabi naman ng 0090 533 232 3137: "Sa tingin ko, ang pinaka-appropriate na celebration ng Sino-Filipino Friendship Day ay ang patuloy na paglulunsad ng fund-raising campaign. Napakaraming nawalan ng bahay sa Sichuan at nakikisilong lang for the meantime."
Maraming-maraming salamat sa inyong malasakit. Hindi namin ito makakalimutan habang may buhay.
Iyan ang Side A Band sa walang-kupas na awiting "Habang May Buhay" na hango sa album ng grupo na pinamagatang "Ang Ating Awitin."
Tunghayan naman natin ang e-mail na padala ni Manuela Bornhauser ng Gatchnang, Switzerland. Patuloy na sinusubaybayan niya ang rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng Sichuan. Sabi ng kanyang e-mail: "Marami pang dapat gawin para maibalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan ng Sichuan. Nagagampanan naman ng mga kinauukulan ang kanilang tungkulin. Step by step naso-solve ang problem. Hindi dapat lubayan ng international community ang pagpapadala ng tulong at pag-aalay ng prayers."
Thank you so much, Manny.
Iyan naman si Kitaro sa kanyang "Silk Road Fantasy" na hango sa album na pangalan niya ang ginamit na pamagat.
Balik tayo sa SMS. Sabi ng 919 648 1939: "Kuya Ramon, binabati ko kayo diyan ng Happy Filipino-Chinese Friendship Day at Happy Philippine Independence Day. Medyo natapat sa problema ang pagdiriwang . Hindi naman apektado ang relasyon ng dalawang bansa, pero malungkot dahil may crisis sa Sichuan."
Thanks sa SMS.
Iyan naman ang Hotdog sa orihinal na awiting "Miss Universe ng Buhay Ko' na lifted sa album ng grupo na may pamagat na "Hotdog's Greatest Hits."
At diyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|