• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-04 11:21:48    
Manlalaro ng Ehipto ng Wushu, nangunguna sa Aprika

CRI
Naaprobahan na ng International Olympic Committee na sa panahon ng pagdaros ng Beijing Olympic Games, idaraos din ang Beijing 2008 Wushu Tournament. Sa lahat ng 7 kuwalipikadong kalahok na Aprikano, 4 ang galing sa Ehipto. Ito ang tunay na pagpapakita ng popularidad ng wushu sa Ehipto na pinasigla nitong ilang taong nakalipas.

"Umaasa akong magiging kampeon ako at aming koponan ng wushu ng Ehipto sa Beijing 2008 Wushu Tournament, kasi, pinakamahusay kami."

Ang boses na narinig ninyo ay isang miyembro ng pambansang koponan ng wushu ng Ehipto na si Khane. Dadalo siya sa event ng routines sa Beijing 2008 Wushu Tournament. 24 taong-gulang siya at nagpraktis siya ng wushu nang mahigit 10 taon. lipos ng kompiyansa siya sa kanyang sarili.

"Anim na bese na nakuha ang titulo sa pambansang paligsahan ng routines ng wushu at kampeon ako sa paligsahan ng Aprika sa taong ito at nagwagi ng medalyang pilak sa paligsahan ng wushu ng Armenia noong 1999."

Pero, ipinalalagay ng kanyang tagasanay na Tsino na si Lu Jianmin na totoo, kalaki ang posibilidad ng koponan ng Ehipto na makuha ang medalya, pero, hindi sa event ng routines.

"Napakaliit ang posibilidad na matamo ang medalya sa event ng routines, pero, may pag-asang matatamo ang medalya ang tatlong manlalaro sa event ng sanshou. Sa uri ng 75 kg, nakuha ng Ehipto ang medalyang tanso sa dating world wushu championships, kung normal ang pagpapatingkad ng kahusayan, ang mga manlalaro ng Ehipto ay makakapasok sa unang tatlong puwesto.

Nang mabanggit ang koponang lalahok sa Beijing 2008 Wushu Tournament, ipinagmamalaki ni Samir Fouad, tagapangulo ng lupon ng Wushu ng Ehipto, na sa lahat ng 7 kalahok na Aprikano, 4 ang kanyang kababayan.

"May tatlong manlalaro na lalahok sa event ng sanshou. Dalawang lalaki at isang babae. At may isang lalaki ang lalahok sa routines event. Naging kuwalipikado sila sa dating world wushu championships na idinaos noong Disyembre sa Beijing."

Umaasa si tagapangulong Fouad na matatamo ang magandang resulta ng mga manlalaro.

"Ang paligsahang ito ay malawakan at may antas ng daigdig, handang-handa na ang Ehipto para rito. Mula Hulyo una hanggang pagkatapos ng paligsahan, maitatag namin ang espesyal na training base para sa nasabing 4 na manlalaro. Sinanay sila ni tagasanay na si Lu Jianmin ng Tsina. Nagpapakahirap kami nang husto sa pagsasanay, tiyak na matatamo ang magandang resulta sa paligsahan.

Kung lalahok sa paligsahan, tiyak na umaasang matatamo ang medalya. Pero, sa tingin ni Khane, bukod ng pagkuha ng medalya, magkakaroon ka ng iba pang bunga sa proseso ng pagsasanay ng Wushu.

"Sa pagsasanay ng Wushu, nahubog ang mabuting asal at ugali ng isang tao at saka nagiging malusog."

Sa Ehipto, may maraming taong may gayong palagay kasama ni Khane. Kaya, naging popular ang Wushu sa Ehipto nitong ilang taong nakalipas, sinabi ni Fouad, tagapangulo ng lupon ng Wushu ng Ehipto na

"May matibay na pundasyon ng masa ang Wushu sa Ehipto, Maraming kabataan, lalaki o babae, ang nagpraktis ng Wushu. Nagsasanay sa mabahang panahon ang ilang tao sa kanila at napakataas ng pamantayan ng tekniks at natamo ang mgandang resulta sa mga paligsahang pandaigdig at Aprikano."