• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-07 14:49:27    
Beijing, puspusang maigagaratiya ang maalwang trapiko sa Olimpiyada

CRI

Mga giliw na tagapagkinig, nitong ilang taong nakalipas, mabilis na lumalaki ang bilang ng mga kotse sa Beijing at nagdulot ito ng malaking presyur sa trapiko. Kasunod ng papalapit na Olimpiyada, ang isyung kung papaanong makakatugon ang komunikasyon ng Beijing sa pangangailangan ng komunikasyon sa panahon ng Olimpiyada ay nakatawag ng malaking pansin sa loob at labas na bansa. Noong ika-19 ng nagdaang buwan, ipinahayag ni He Jianzhong, tagapagsalita ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, na gagamitin ng ministring ito ang mga hakbangin para puspusang maigarantiya ang pangangailangan ng komunikasyon ng Beijing sa panahon ng Olimpiyada, sa programang "Beijing 2008" ngayong gabi, pakinggan ninyo ang masusing ulat hinggil dito.

Ayon sa estadistika, sa kasalukuyan, may halos 15 milyong populasyon sa Beijing, ang bilang ng mga kotse ay umabot sa mahigit 3 milyon mula 1 milyon noong 10 taong nakaraan at mabilis na lumalaki ito nang 1 libo tuwing araw. Kaya nagdulot ito ng malaking presyur sa komunikasyon ng Beijing. Ipinahayag ni He na sa panahon ng Olimpiyada, gagamitin ng Beijing ang mga hakbangin para maigarantiya ang mabilis na pagtatakbo ng mga sasakyang de-motor na naglilingkod sa Olimpiyada. Sinabi niya

"Unang-una, itayo ang mabilis na lane ng Olimpiyada na sa mga sonang panserbisyong may kinalaman sa komunikasyon ng Olimpiyada, ang mga tauhan doon ay espesyal na sinanay sa wikang dayuhan, lalo na sa finger language at mataas ang lebel nila. Ikalawa, maigarantiya na may mga barrier freed facilities sa lahat ng daang may kinalaman sa Olimpiyada at ikalawa, ipakaloob ang mabuting kapaligiran sa komunikasyon nito at maigarantiya ang magkakaiisang marka. Sa palagay ko, ang naturang mga hakbangin ay makakatiyak nang mabuti sa kabuuan ng maalwang trapiko."

Ayon sa salaysay, nitong 5 taong nakalipas, inilaan na ng Beijing ang 110 bilyong yuan RMB para pabutihin ang mga imprastruktura ng komunikasyon, ipauna ang pag-unlad ng pampublikong komunikasyon, palakihin ang paglaang pinansiyal sa pampublikong komunikasyon at espesyal na linya nito at bumuo ng malaking lambat ng pampublikong komunikasyon sa lupa. Bukod dito, bago bukas ang Beijing Olympic Games, may 7 bagong subway line ang maiooperasyon at ang kahabaan nito ay aabot sa halos 2 daang kilometro. At may sangay ng Olimpiyada ng subway ay daraan sa gitna ng Bird's Nest at Water Cube, dalawang pinakamahalagang pasilidad ng Olimpiyada para tuwirang mapaglingkuran ang Olimpiyada.

Ayon sa pagtaya, sa panahon ng Olimpiyada sa Agosto, paparito ang halos 600 libong manlalaro, opisiyal na pampalakasan at manonood ng iba't ibang bansa. Ipinahayag ni Liu Xiaoming, Direktor ng lupon ng Beijing ng pangangasiwa sa komunikasyon, na itinakda na ng departamento ng komunikasyon ng Beijing ang 34 na espesyal na linya ng pampublikong komunikasyong papuntang iba't ibang stadium ng Olimpiyada ng Beijing para magkaloob ng espesyal na serbisyo sa mga manonood. Walang bayad na sasakay ang mga manonood na may tiket ng Olimpiyada ng ilang sasakyan na gaya ng bus at underground railway. Sinabi niya na(sound 2)

"Bukod ng pagsasagawa ng kinakailangang pagsasaayos at paggarantiya sa oras ng operasyon ng kasalukuyang sistema ng pampublikong komunikasyon batay sa timetable ng mga paligsahan ng Olimpiyada, sa kasalukuyan, itinakda naman ang 34 na espesyal na linya ng komunikasyon para sa Olimpiyada at ang mga linyang ito ay unti-unting bubuksan kasunod ng pagsasaayos ng mga paligsahan ng Olimpiyuada para magkaloob ng kinakailangang serbisyo sa mga manonood."

Ayon sa salaysay, sa panahon ng Beijing Olympic Games, ikikilos ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ang 810 kotseng boluntaryo mula sa buong bansa at sa kasalukuyan, handang-handa na ang naturang mga kotse. Bukod dito, sa panahon ng Olimpiyada, daragdagan ng Beijing ang linya ng bus sa gabi para magkaloob ng 24 hours na serbisyo, isasagawa ang katugong pagsasaayos sa oras ng operasyon ng mga rail transit at taxi batay sa timetable ng mga paligsahan ng Olimpiyada. Ang naturang mga hakbangin ay magkakaloob ng mas maginhawang serbisyo sa mga turista sa loob at labas na bansa at mga naninirahan ng Beijing.