• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-07 16:41:17    
Hunyo ika-30 hanggang Hulyo ika-6

CRI
Mula noong Lunes hanggang noong Biyernes, isinagawa ni Samak Sundaravej, Punong Ministro ng Thailand ang kanyang kauna-unahang opisyal na pagdalaw sa Tsina.

Noong Martes, nakipagtagpo sa Beijing kay Samak si pangulong Hu Jintao ng Tsina. Sinabi ni Hu na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Thailand, na palawakin at palalimin ang kanilang estratehikong kooperasyon. Sinabi ni Hu na ang paggigiit sa pagkakaibigang pangkapitbansaan at pangmatagalang kooperasyon ng Tsina at Thailand ay matatag at di-magbabagong patakaran ng pamahalaang Tsino. Nakahanda anya ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand, para sa mutuwal na kapakinabangan, win-win situation at komong pag-unlad. Sinabi naman ni Samak na palagiang iginigiit ng Thailand ang patakarang isang Tsina. Umaasa siyang lubos na magtatagumpay ang Beijing Olympic Games. Ipinahayag din niyang ang kahandaang patuloy na pasulungin ang relasyong Sino-Thai.

Nakipag-usap noong Lunes sa Beijing si Premiyer Wen Jiabao ng Tsina kay Samak. Mataas na pinapurihan ni Wen ang pagkakaibigan ng 2 bansa at iminungkahi niya hinggil sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkaibigan at pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan ng 2 panig, alalaong baga'y, pananatilihin ang pagpapalitan sa mataas na antas, pahigpitin at palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, pataasin ang lebel ng kooperasyon sa iba't ibang larangan at magkasamang pasulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN para maigarantiya ang maalwan at matatag na pag-unlad ng kooperasyon ng Saligang Asya. Sinang-ayunan ni Samak ang mungkahi ni Wen, sinabi niyang nakahandang magbigay ng ambag, kasama ng Tsina, sa estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at kooperasyon ng Saligang Asya.

Pagkaraan ng pag-aaproba ng Konseho ng Estado ng Tsina, pormal na naitatag noong isang linggo ang China-ASEAN Chamber of Commerce for Agriculture. Sa kasalukuyan, ang mga kasapi ng naturang kamara ay kinabibilangan ng 30 malaki at katamtamang bahay-kalakal na agrikultural ng Tsina at 13 impluwensiyal na bahay-kalakal ng agrikultura at produktong agrikultural mula sa 7 bansang ASEAN.

Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa kompanya ng pangangasiwa sa paliparan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi na isinasagawa ng kompanyang ito ang bukas na bidding sa loob ng bansa hinggil sa proyekto ng 5 linyang pandaigdig mula Naning patungong 5 destinasyon ng Asean. Ang naturang mga linya ay mga linya sa pagitan ng Nanning at Singapore, Kuala Lumpur, Jakarda, Manila at Cebu. Ang serbisyo ng bidding ay mula Agosto Uno ng taong ito hanggang ika-31 ng Hulyo ng susunod na taon.

Nang kapanayamin siya ng mamamahayag sa rehiyong awtonomo ng Guangxi, ipinahayag noong isang linggo ng namamahalang tauhan ng Ministri ng Industriya at Kalakalan ng Biyetnam, na sa kasalukuyan, pinabibilis ng kaniyang bansa ang pagtatayo ng dalawang express way na direktang papuntang hanggahan ng Tsina at Biyetnam. Sinabi ng naturang namamahalang tauhan na nitong nagdaang 4 na taong singkad, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Biyetnam at pahigpit nang pahigpit ang kanilang bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Napasa noong isang linggo ang inisyal na plano ng pagdidisenyo ng unang rehiyon ng lunsod na ekolohikal ng Tsina at Singapore sa Tianjin at nilagdaan ng Tsina at Singapore ang kasunduan ng joint venture company. Ito ay palatandaang sisimulang itayo ang naturang lunsod na ekolohikal. Ang lunsod na ekolohikal ng Tsina at Singapore sa Tianjin ay estratehikong proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal at pagtatatag ng sibilisasyong ekolohikal.