Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa abbreviated edition ng Gabi ng Musika.
Alam ba ninyo kung anu-ano ang mga pangalan ng limang Beijing Olympic Mascots? Sige, kung sa tingin ninyo e alam ninyo, iteks ninyo sa amin at ang unang-unang makakapagteks ng tamang sagot ay tatanggap ng Best transistor radio. Best ang tatak. Hihintayin namin ang inyong SMS.
"Handa na Kami" ng various artists.
Ang mensahe ng awiting iyan ay may kinalaman sa pagiging handa ng Beijing sa pagdaraos ng summer Olympics at ang mensaheng iyan ay sinegundahan naman ng mensahe ni Let Let Alunan ng Germany. Sabi ng huling bahagi ng kanyang e-mail: "...Bilib na bilib na talaga ako sa preparation ng Beijing. Imagine, maraming naganap na pangyayari sa China recently pero nagpatuloy pa rin ang Beijing na kumpletuhin ang kinakailangang facilities."
Thank you, Let Let.
Sabi naman ng related SMS mula sa 919 257 8451: "Inspite of all the difficulties that come its way, Beijing is ever ready to hold the most awaited Olympiad."
Salamat din sa iyo. Salamat nang marami.
Iyan naman ang "Isang Mundo, Isang Pangarap" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Guan Zhe. Actually, iyan ang tema ng 2008 Beijing Olympics--Isang Mundo, Isang Pangarap. Kung paanong iisa lang ang ating mundo, ganoon din naman ang ating pangarap na makapamuhay nang matahimik na siya namang layon ng pagdaraos ng Olympics. Sabi nga ng 915 807 5559: "Beijing Olympics spread not only the gospel of sportsmanship but the gospel of love, peace and friendship as well. Let it go! Let it go! Let it go!"
Salamat nga pala sa SMS, 915 807 5559. Nakalimutan kong magpasalamat.
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Andy Lau sa awiting "Lahat ay Number One." Kung Olympics ang pag-uusapan, hindi lang mga atleta ang number one; tayo man ay number one din. Kung walang suporta ng mga mamamayan, hindi magtatagumpay ang alinmang Olympics.
Pero sa pananaw naman ng masugid na tagapakinig ng Cooking Show na si Mareng Gina ng Baclaran, sa anumang palaro, lahat aniya ay number one--nagwagi man o talunan. Sabi pa niya: "There is victory in winning, but there is also victory in defeat."
Salamat, mare.
Haaay naku, hanggang dito na lang ang abbreviated edition ng ating Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|