Mula buwang ito, magkakasunod na nagsimulang tumakbo sa buong Beijing ang mahigit 500 stasyong panserbisyo ng mga boluntaryo ng Beijing Olympic Games at magkakaloob ang mga boluntaryong ito ng komprehensibong serbisyo sa mga mamamahayag, manonood at turista sa loob at labas na bansa at mga naninirahan. Sa programang "Beijing 2008" ngayong gabi, pakinggan ninyo ang ulat hinggil dito.
Ang boluntaryo na si He Xin ay estudyante ng Huijia Professional School. isinusuot niya ang bughaw na T-shits ng mga boluntaryo ng Olimpiyada at sinimulan na ang kaniyang gawain mula unang araw ng buwang ito. Bilang isang boluntaryo sa Distrito ng Changping ng Beijing, ang kanyang pangunahing gawain ay patnubayan ang mga tao patungong sa mga stadium ng Olimpiyada at mga matulaing lugar sa Changping. Upang maging boluntaryo ng Olimpiyada, tinanggap niya ng halos 2 buwang sistematiko at propesyonal na pagsasanay. Sinabi niyang(sound1)
"Ang aking stasyong panserbisyo ay nasa dalawang malaking bisagra ng komunikasyong pampubliko ng Changping at may maraming boluntaryo sa purok na ito. Tumagal nang halos 2 buwan ang aming pagsasanay na nakapagloob ng serbisyo sa mga imporamsyon hinggil sa mga matulaing purok, daan at stadium sa Changping, first aid, at pagpapalit ng mga sasakyan at iba pa."
Ang pinakapangunahing gawain ng mga boluntaryo ay pagturo ng daan. Itinatag pa sa Distrito ng Xuanwu ng Beijing ang isang grupo ng pagturo ng daan na binubuo ng mga babae. Si Ginang Zhao ay isang miyembro ng grupong ito. Inilahad niya na bukod ng pagiging pamilyar sa mga matulaing purok, stadium ng Opimpiyada, ruta ng komunikasyong pampubliko, tinatanggap pa niya ang propesyonal na pagsasanay ng wikang Ingles sa aspeto ng pagturo ng daan. Sinabi niya na (sound 2)
"Lagi kaming nakakatagpo ng mga dayuhang kaibigan na humingi ng tulong sa komunikasyon at iba pa, kaya ipinalalagay ng aming lahat ng miyembro na kailangang palakasin ang aming kakayahan sa wikang Ingles sa aspetong ito. Kusang loob kaming nag-aral ng mga salitang Ingles hinggil sa mga restawran, stasyon sa paligid ng aming purok na paninirahan at mga purok na gustong-gustong bisitahin ng mga dayuhang kaibigan na gaya ng Water Cube, Bird's Nest, Imperial Palace, Great Wall at iba pa."
Kaya sa panahon ng Olimpiyada, tinayang magiging isang magandang tanawin sa Beijing ang grupong ito. sinabi ni Zhao na (sound 3)
"Pagkaraan ng takdang panahon ng pagsasanay, hindi lamang naiintindihan namin ang sinasabi ng mga dayuhan, kundi makakasagot kami ng kanilang tanong sa buong pangungusap na Ingles. Nang marinig ang "Thank you very much" na sinabi nila, ikinasisiya naming husto at bilang mamamayang Tsino, sa takbo ng pagbibigay ng serbisyo, nakapagtamasa naman kami ng kasayahan."
Sa mga stasyong panserbisyo ng mga boluntaryo sa Beijing, ang mga boluntaryong may-kapansanan ang nakakatawag ng espesyal na pansin ng lipunan. Si Ginang Gao Yuhong na nahawahan ng polio noon ay puno ng isang grupong boluntaryo ng pagturo ng daan. Nagkakaloob siya tuwing sabado't linggo ng serbisyo ng pagturo ng daan sa Summer Palace sa mga turista sa loob at labas na bansa. Sinabi niya na (sound 4)
"Nakapolyo ako noong bata pa ako at tinanggap ko ang mga tulong at pag-asikaso mula sa iba't ibang panig ng lipunan. Upang balikan ang lipunan ng pabor, itinayo ko ang gayong grupo."
Kaugnay ng Beijing Olympic Games na idaraos sa susunod na buwan, puno si Gao ng ekspektasyon. Sinabi niyang(sound 5)
"Kasunod ng paglapit ng Olimpiyada, paparito ang dumarami nang dumaraming dayuhang turista. Dapat magkaloob kami ng pinakamabuting serbisyo sa kanila para ipakita ang kagandahan-loob ng mga mamamayanbg Tsino, lalo na ng mga boluntaryo."
Ang mga boluntaryo ng Beijing sa Olimpiyada ay hindi lamang nagkakaloob ng serbisyo sa mga turista sa loob at labas na bansa hinggil sa imporamsyon sa daan, kundi nagpapatingkad ng diwa ng mga boluntaryo at nagpapalaganap ng kaalaman ng Olimpiyada. Ngayon, handang-handa na sila para salubungin ang Olimpiyada sa masigla't matayog na diwa at mag-alay ng kanilang sariling lakas para sa Beijing Olympic Games.
|