• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-17 16:33:18    
Pagbabago ng pamumuhuay ng mga magsasaka

CRI
Sa kanayunan ng Tsina, karaniwan lamang ang paggamit ng greenhouse para mapabuti ang kapaligirtan ng pagtatanim ng mga pananim. Nguni't, para sa mga mahirap na rehiyong mataas sa ibabawa ng pantay-dagat. Magkaibang-magkaiba ito.

Ang Qinghai-Tibet Plateau ay isa sa mga pinakamataas na lugar sa mundo, ang lalawigang Qinghai ay nasa Qinghai-Tibet Plateau at ang karaniwang taos nito ay lumampas sa 3 libong meter mula sa ibabaw ng pantay-dagat. Sa mula't mula pa'y, hindi maaaring itanim ang mga pananim na may mataas na added value, kaya, mahirap para sa mga lokal na pamahalaan na mapataas ang kita ng mga magsasaka. Nitong ilang taong nakalipas, unti-unting humanap ang lalawigang Qinghai ng isang landas ng pagpapaunlad ng recycling greenhouse sa mga lugar na mataas sa ibabaw ng pantay-dagat. Sa kasalukuyan, tinatanggap at isinasagawa ang naturang paraan ng mga magsasaka doon.

Ang autonomong bayan ng lahing Tu ng Huzhu ay isa sa mga eksperimentong sona ng recycling greenhouse agriculture sa lalawigang Qinghai. Sa kasalukuyan, ang pananim ng recycling greenhouse ay nagiging bagong growth point ng kita ng mga magsasaka sa lokalidad.

Si Yang Youchang ay isang opisiyal ng nayon ng Xiayi sa ilalim ng autonomong bayan ng Huzhu. Nang mabanggit ang kita mula sa greenhouse sa kaniyang nayon, sinabi niyang:

"Itinatag ang mahigit 400 greenhouse dito, kung kikita ng 5000 yuang RMB ang bawat greenhouse sa isang taon, sa kabuuan, kikita kami ng mahigit 2 milyong yuan RMB lahat-lahat at ito ay isang konserbatibong pagtaya. Noong isang taon, umabot sa 2920 yuan RMB ang kita bawat tao sa aming nayon, sa hinaharap, magsisikap kami para umabot sa 8000 hanggang 10 libong yuan RMB ang bilang ito."