• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-18 09:43:03    
Paglalaro ng diabolo, tradisyonal na sining ng bayan ng Beijing

CRI

Ang paglalaro ng diabolo ay nagsisilbing tradisyonal na sining ng bayang Tsino na may mahigit 1.7 libong taong kasaysayan. Laging nanonood ang mga tao sa TV ng makulay na palabas ng mga sirkrerong Tsino sa paglalaro ng diabolo, datapuwa't bukod ng palabas na akrobatiko, bilang isa sa mga larong pang-eehersisyo ng buong mamamayang Tsino, mainit na kumakalat ang paglalaro ng dialbolo sa iba't ibang lugar ng Tsina, lalo na sa Beijing, bayang pinagsibulan nito. Sa iba't ibang parke ng Beijing tuwing umaga, may mga apisyunado ng diabolo roon. Noong nagdaang taon, opisiyal na nakapasa ang laro ng diabolo ng bertipikasyon bilang pambansang intangible cultural heritage. Sa programang "Beijing 2008" ngayong gabi, pakinggan ninyo ang ulat hinggild dito.

May mga apisyunado ng diabolo ang pumaparito tuwing umaga sa Zizhuyuan Park ng Beijing, ang mahigit 50 taong gulang na si Huang Gang ay isa sa kanila. Mahigit isang taong lamang ang paglalaro niya, mabighani nang husto siya sa larong ito. Kaugnay ng dahilan nito, sinabi niya (sound 1)

"Noong una nang maglaro ako ng diabolo, relax lang ang layunin ko, ngunit nabighani ako agad ng larong ito. Kay dami ng kabutihang ito, unang una, nakakabuti ito sa katawan, ikalawa, talagang kahali-halina ito. Marami ang paraan sa paglalarong ito. Kayo sarili ang puwedeng mag-imbento ng paraan."

Bilang isa sa mga larong pang-eehersisyo, talagang maram-marami ang paraan ng paglalaro ng diabolo at nabighani nito ang maraming tao. Inilahad ni Ding Cailin, pangalawang Direktor ng stasyon ng mga apisyunado ng diabolo sa Zizhuyuan Park, na (sound 2)

"Noong bata pa ako, ilan lamang ang paraan ng paglalaro ng diaolo. Datapuwa't mula noong nakaraang mga3 taon, lalo na sa huling hati ng nagdaang taon, dumarami nang dumarami ang paraan nito na umabot sa mahigit 1 libong uri sa kasalukuyan na nagagamit para sa pagpapabuti ng iba't ibang bahagi ng katawan."

Bukod ng mga regular na paraan, walang humpay na inimbento ng mga apisyunado ng diabolo ang bagong paran. May regular na pulong ng pagpapalitan sila tuwing buwan para mag-aralan at mag-imbento ng bagong paraan. Bilang isa sa mga apisyunadong mahusay sa laro sa Zizhuyuan, lumalahok si Ding sa ganitong aktibidad tuwing buwan, inilahad niya na(sound 3)

"Nagtitipon-tipon kami sa parke tuwing buwan. Itinatanghal doon ng mga apisyunadong mahuhusay sa paglalaro ng diabolo. Nagpapalitan kami dito ng kahusayan at pagkatapos, magturo sa iba pang mga apisyunado."

Dahil sa nabanggit na mga kabutihan, dumarami nang dumarami ang mga taong naglalaro ng diabolo. Ang stasyon sa Zizhuyuan lamang ay may mahigit 50 miyembro, sinabi ni Huang Gang na (sound 4)

"Sa kasalukuyan, dumarami nang dumarami ang mga apisyunado tuwing buwan. Noong una nang magsimula ako ng paglalaro ng diabolo, mahigit 10 tao lamang ang naglalaro dito. Sa kasalukuyan, may di-kukulanging 50 tao."

Ang 73 taong gulang na si Sun Dianlin ay isa sa mga apisyunado ng stasyon sa Zizhuyuan na mahusay sa paglalaro ng diabolo. Pleksible siya sa paglalaro parang isang bata. Sinabi niya na ang paglalaro ng diabolo ay nagisislbing isang mabuting paraang pang-eehersisyo, lalo na para sa mga matatanda, tamang-tama ang kalakasan nito at kawili-wili pa. Bukod ng mga matatanda na gaya ni Sun, may mga bata ang lumahok sa hanay ng mga apisyunado ng diabolo, at nakikita pa ang maraming dayuhan na nagpapraktis ng diabolo. Madali ang pagkatuto ng larong ito, maraming paraan ng paglalaro nito at mabuti ang pukasyong dulot nito sa pag-ehersisyo. Ang mga ito ay dahilan kung bakit nakabigha-bighani ang diabolo.

Sa iba't ibang malaking parke sa Beijing, may mahigit 50 gayong stasyong tulad ng Zizhuyaun. Ang iba't ibang aktibidad ay laging idaos sa mga lugar na ito. Si Liu Zhenyu ay pangalawang Direktor ng lupon ng diabolo ng Asosaysyon ng laruan ng Beijing, inilahad niya na(sound 5)

"May mahigit 2 libo mimyembro at 57 stasyon ang aming asosyasyon sa Beijing. Maaaring idaos ng mga stasyon ang sarili nilang aktibidad para magpalitan ng kahusayan sa paglalaro. Bukdo dito, itaguyod naman ng aming lupon ang 2 o 3 beses na malaking aktibidad sa isang taon sa antas ng lunsod at bansa."

Sa panahon ng Beijing Olympic Games, may mga 50 tao ang magbibigay ng diabolo performance.