Kahit mainit ang panahon sa kalye, nananatili pa rin sa post ang mga boluntaryo ng lunsod Ningbo ng lalawigang Zhejiang ng Tsina. Nakasuot sila ng dilaw na sombrero at may dalang dilaw na bandila. Sa programang "Kaalaman ng Tsina" ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.
Sa isang krus na daan ng Ningbo, idinidirihi ng isang boluntaryong si Ginoong Yang Yi, isang civil servant, sa pagtawid ng mga tao sa daan. Sinabi niyang:
"Mainit ang panahon, may 6 na boluntaryo kami dito bawat araw. Ang 'boluntaryo' ay isang maluwalhating salita. Sa proseso ng pagbibigay ng ambag, nadarama naming ang kasiyahan habang tumutulong sa iba. Ito ay isang napakabuting bagay."
Lumahok si Ginoong Yang nang maraming beses bilang isang boluntaryo sa aktibidad na "Pagsalubong sa Beijing Olympic Games, sibilisadong paglalakbay, sibilisadong pagpayo". Sa kasalukuyan, ang mahigit 50 libong boluntaryo ng Ningbo ang lumahok sa aktibidad na ito. Ang layunin nito ay ibayo pang pataasin ang kamalayan ng mga residente ng Ningbo sa sibilisasyon.
Ang naturang aktibidad ay isa sa mga aktibidad na itinangkilik ng samahan ng boluntaryo ng Ningbo at si Ginoong Yang ay isa sa 270 libong rehistradong boluntaryo ng Ningbo. Ayon sa estatisdika, ang 12.5% ng populasyon ng Ningbo ay boluntaryo. Sinabi ni Yang Yong, puno ng samahan ng boluntaryo ng Ningbo, na ang maagang pagkakatatag ng organo at may kinalamang lehislasyon ay pangunahing elemento ng maalwang pagsasagawa ng mga aktibidad ng mga boluntaryo. Sinabi niyang:
"Noong 2000, itinatag ng Ningbo ang kauna-unahang samahan ng boluntaryo sa antas ng lunsod. Noong 2003, pinagtibay namin ang "Regulasyon ng Batang Boluntaryo" para igarantiya ang malusog na pag-unlad ng usapin ng mga boluntaryo."
Ang boluntaryong si Ginoong Zhu Fei ay isang doktor ng Ospital ng Medisinang Tsino ng Ningbo. Pagkaganap ng napakalakas na lindol noong ika-12 ng Hunyo, agad na nangalap siya sa internet ng mga boluntaryo para pumunta sa Sichuan sa gawaing panaklolo roon. Nagpatala agad ang mga halos 100 tao. Pumunta sila sa mga nilidol na purok at nagdulot ng kanilang tulong sa pondo at materyal. Sinabi niyang:
"Kami ay mula sa iba't ibang sirkulo ng lipunan, hindi nagkakilala kami noon at naging kaibigan na ngayon kami sa pagbibigay-tulong sa mga purok na lindol. Nagpapalitan kami ngayon sa malayang oras, tulad ng mga kapamilya, at magkakasamang nagsisikap para mapagtagumpayan ang mga kahirapan."
|