• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-21 18:47:33    
Beijing, pinipigil ang pollutant emission ng sasakyan de motor

CRI

Nitong ilang taong nakalipas, para tupdin ang pangako ng "green Olympic", nagsisikap ang Beijing sa pagbabawas ng pagbuga ng wasted gas ng mga sasakyan de motor at mabunga ang mga ito. Lumalapit nang lumalapit ang 2008 Olympic Games at nagsagawa ang Beijing ng ilang hakbangin sa pangangasiwa ng transportasyon para maigarantiya ang walang sagabal na paglalakbay at mainam na kalidad ng hangin sa panahon ng Olimpiyada.

Noong 2001 pagkaraang magtagumpay ang Beijing sa pagbibid sa 2008 Beijing Olympic Games, nananatili ang pagsubaybay ng buong daigdig sa isyu ng kalidad ng hangin sa Beijing. Ayon sa estadistika, ang wasted gas na ibinuga ng mga behikulo ay bumubuo sa sangkatlo ng ibinugang dumi ng hangin sa Beijing. Sa kasalukuyan, lumampas na sa 3 milyon ang mga kotse sa Beijing at walang tigil na lumalaki ang bilang nito. Sa kalagayang ito, nagsagawa ang Beijing ng mga hakbangin na kinabibilangan ng pagpapaunlad ng kumunikasyong pampubliko, pagpapataas ng istandard ng langis para sa pangangalaga sa kapaligiran at pagbabawas ng pollutant emission ng mga behikulo.

Nitong 5 taong nakararaan, pinapalaki ng Beijing ang laang gugulin sa pagpapasulong ng kumunikasyong pampubliko. 110 biyong Yuan RMB ang inilaan ng Beijing para sa pagpapabuti ng impraestruktura ng kumunikasyon at pagbibigay-preyoridad sa pagpapaunlad ng kumunikasyong pampubliko. Noong Sabado, nagbukas ang 3 linya ng subway sa Beijing, at sa gayo'y umabot sa 8 bilang ng mga linya ng track communication na umabot sa mga 200 kilometro ang kabuuang haba ng subway na naisa-ooperasyon sa Beijing.

Bukod sa pagpapaibayo ng sistema ng kumunikasyong pampubliko, isinagawa rin ng Beijing ang ilang hakbangin sa pagsusuperbisa at pangangasiwa sa kalidad ng hangin at pagbabawas ng pagbuga ng dumi ng sasakyan de motor.

Samantala, sa panahon ng Olimpiyada, nagsagawa rin ang Beijing ng mga pamsamantalang hakbanging pang-kumunikasyon na gaya ng 70% ng mga kotse ng mga departamentong pampamahalaan ang ipinabawal na gamitin, simimulan ang halinhinang pagpapatakbo ng mga behikulo ayon sa even and odd number ng plaka mula noong ika-20 ng Hulyo at iba pa.

Ayon sa pagtasa ng departamento ng kumunikasyon, pagkaraang isagawa ang nabanggit na hakbangin ayon sa numero ng plaka, naragdagan araw-araw ang 4 milyong pesahero na sumakay ng kumunikasyong pampubliko. Para rito, nagsagawa pa ang Beijing ng maraming hakbangin para pataasin ang kakayahan ng paghahatid ng kumunikasyong pampubliko at nang sa gayo'y makapagkaloob sa mga mamamayan ng mabilis, ligtas at maginhawang trapiko.