• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-22 18:48:25    
Mga Boluntaryo

CRI

Ang atmospera na kumilala ng utang-na-loob sa lipunan at kusang-loob na magpakasakit ay nagpapasigla ng lahat ng residente ng Ningbo at dumarami nang dumarami ang boluntaryo. Aktibo ang samahan ng boluntaryo ng Ningbo at mga pamahalaan sa iba't ibang antas sa pag-organisa ng iba't ibang porma ng aktibidad para sa iba't ibang boluntaryo. Sinabi ni Ginoong Yang Yong na:

"Ang mga aktibidad ng boluntaryo ay nagiging gawain ng proyekto mula sa pansamantalang gawain. Iniharap namin ang maraming proyekto para sa iba't ibang uri ng mga boluntaryo. Puwedeng bigyan ng mga boluntaryo ang mga residente ng iba't ibang serbisyo alinsunod sa sariling kakayahan at kahusayan."

Sa kasalukuyan, itinatag ng Ningbo ang mahigit 4500 grupo ng boluntaryong nakapagbibigay ng serbisyo sa iba't ibang larangang gaya ng larangang medikal, pangangalaga sa kapaligiran, pag-asikaso sa mga matanda at mga may kapansanan. Tumatango ang grupo ng boluntaryo sa direksyon ng pagbibigay ng serbisyong profesyonal sa seguridad pampubliko, pagpapalaganap ng sibilisadong salita, pagbibigay ng tulong sa internet at bangko at iba pa.