• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-23 15:20:07    
Makulay ang mga aktibidad na kultural sa Beijing para sa Olimpiyada

CRI

Sa takbo ng Beijing 2008 Olympics Games at Beijing Paralympics, ang mga mamamayang Tsino at panauhing dayuhan ay manonood sa Beijing ng mahigit 200 pagtatanghal na may pinakamataas na lebel sa daigdig at makakalahok sila sa mga pagtatanghal na pangmasa sa 26 plasang kultural ng Olimpiyada sa Beijing. Umaasa ang mga tagapagtangkilik na kinabibilangan ng ministri ng kultura ng Tsina, BOC, lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympics Committee at kawanihang pangkultura ng Beijing na ipapakita sa kumunidad ng daigdig ang mainam na imahe ng Tsina bilang isang bukas at pluralistikong bansa sa pamamagitan ng mga aktibidad na pangkultura.

Mula noong Hunyo hanggang pagpipinid ng Paralympics sa susunod na Setyembre, idinaraos araw-araw sa Beijing ang dalawa o tatlong pagtatanghal. Ang mga grupong pansining ay galing sa mahigit 80 bansa't rehiyon sa daigdig na binubuo ng mahigit 20 libong artista. Bukod dito, ihahandog din sa panahong iyon sa Beijing ang 160 malalaking eksipisyon.

Sa nabanggit na mga pagtatanghal, magtatamasa ang mga manonood ng kakanggata ng sining na pandaidig. Samantala, ipapakita rin ng mga pangmasang aktibidad na pangkultura sa Beijing ang pananabik ng mga mamamayang Tsino para sa Olimpiyada. Sinabi ni Madam Wangzhu, tagapagsalitang pang-impormasyon ng kawanihang kultural ng Beijing na bubuksan sa Beijing ang 26 plasang pangkultura, idaraos ang mga walang bayad na pagtatanghal at eksipisyon, at manonood din sa plasa ang mga maglalakbay ng live telecast ng mga laro ng Olimpiyada

Ayon sa ulat, mahigit 600 art troupe ang lalahok sa nabanggit na mga aktibidad sa plasang pangkultura ng Olimpiyada na kinabibilangan ng mga grupong pansining ng ibang bansa at mga grupong di-pampamahalaan sa Beijing. Ipinahayag ni Ginoong Dingwei, opisyal ng ministri ng kultura ng Tsina na ang pagpapakita ng dibersipikasyon ng kulturang pandaigdig ay nagsisilbing saligang layunin ng pamahalaan ng Tsina sa pagbibigay ng gayong makulay na aktibidad sa takbo ng Olimpiyada, at ang mga ito anya'y magpapakita ng paninindigan at katapatan ng Tsina sa pagpapasulong ng kasaganaan at progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan, at nang sa gayo'y ipapaalam sa daigdig ang bukas at pluralistikong Tsina.