• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-23 18:07:24    
BJ, buong sikap na maiigarantiya ang pagiging ligtas ang gaganaping Olimpiyada

CRI

Kasabay ng paglapit ng 2008 Beijing Olympic Games, higit pang sinusubaybayan ng iba't ibang bansa ang ginagawang pagsisikap ng punong-abala para matiyak ang seguridad ng gaganaping palaro.

Sa isang preskon ngayong araw dito sa Beijing, ganito ang isinalaysay ni G. Liu Shaowu, opisyal na namamahala sa seguridad ng idaraos na Olimpiyada mula sa BOCOG, lupong tagapag-organisa ng Beijing para sa ika-29 na Olympic Games.

"Lubusang pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino ang mga gawaing may kinalaman sa seguridad ng gaganaping Olimpiks at naitatag na namin ang mabisang mekanismo para maigaranitya ang kaligtasan ng buong bansa, mga host at co-host cities at iba't ibang istadyum sa panahon ng pagdaraos ng palaro."

Upang matiyak ang seguridad ng gaganaping Olimpiyada, naitakda rin ng BOCOG ang mga regulasyon at plano sa pagharap sa mga di-inaasahang pangyayari. Tungkol dito, ganito ang sinabi ni G. Liu.

"Batay sa requirements ng IOC, Pandaigdig na Lupong Olimpik at gayundin sa aktuwal na situwasyon ng Beijing at mga sulong na karanasan ng dating mga punong-abala ng Olimpiyada, binalangkas namin ang mga plano para maigarantiya ang maalwang pagdaraos ng gaganaping Olympic Games. Meron din kaming mga konkretong plano na may kinalaman sa kaligtasan ng mga lugar ng paligsahan, kaligtasan ng transportasyon, pamamahala sa pamatay-sunog, paglaban sa terorismo at iba pa. Naitakda rin namin ang mga plano sa pagharap sa mga di-inaasahang pangyayari."

Sinabi rin ng opisyal Tsino na nagpapakilos din sila ng madla para maigarantiya ang pagiging ligtas ng idaraos na Olimpiyada. Bukod dito, sarilinang naidebelop din ng Tsina ang mga sulong na teknolohiya para matiyak ang seguridad ng Beijing Olympic Games at binigyan ito ng mataas na pagtasa ng mga pandaigdig na organisasyong panseguridad.

Binigyang-diin din ng opisyal Tsino na bukas din ang gawaing panseguridad para sa gaganaping Olimpiyada at ang pakikipagpalitan sa mga panig na dayuhan ay isa sa mga mahalagang elemento kaugnay ng seguridad ng Beijing Olympic Games. Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan, mahigit sampong pandaigdig na pulong hinggil sa seguridad ng Olimpiks ang naidaos ng Tsina. Kasabay nito, naitatag din ng Tsina ang kooperatibong mekanismo para sa seguridad ng gaganaping Olimpiks kasama ang IOC, International Criminal Police Organization o Interpol, Shanghai Cooperation Organization o SCO at gayundin ang ilampung bansang dayuhan at napulot namin ang mga konstruktibong mungkahi at palagay mula sa mga panig na dayuhan.

Bilang panapos, ganito ang tinuran ng opisyal Tsino:

"Ang Beijing ay isa sa mga pinakaligtas na lunsod ng daigdig at ang Tsina naman ay isa sa mga pinakaligtas na bansa. Pero, sa ilalim ng kasalukuyang pandaidig na situwasyon na madalas na nagaganap ang mga teroristikong aktibidad, haharapin din ng Beijing Olympic Games ang panganib ng atakeng teroristiko. Bilang tugon, magpapakilos kami ng iba't ibang may kinalamang panig para maigarantiya ang kaligtasan ng gaganaping palaro at lipos kami ng kompiyansa sa pagharap ng anumang posibleng banta at hamon. "