• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-28 09:54:55    
Sapat ang panuluyan sa Olimpiyada

CRI

Kasabay ng paglapit ng Beijing Olympic Games, makakatawag ng ibayong pansin ang industraliyang panturista ng Beijing. Ipinakikita ng datos na ipinalabas ng Beijing Tourism Administration na sa kasalukuyan, sapat ang panuluyan ng Beijing para sa pagtanggap ng mga turista sa panahon ng Beijing Olympic Games at handa na ang lahat ng mga may kinalamang gawain. Sa programang "Beijing 2008" ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.

Sa kasalukuyan, may dalawang uri ang hotel ng Tsina, isa ay mga star hotels at iba ay karaniwang hotels. Lumampas sa 800 ang bilang ng mga star hotels na makakatanggap ng halos 230 libong panauhin bawat araw at halos 5 libo ang mga karaniwang hotels na makakatanggap ng halos 440 libong panauhin bawat araw. Isinalaysay ni Xiong Yumei, Pangalawang puno ng Beijing Tourism Administration, na para makatwirang gamitin ang yaman ng hotel, mula noong Agosto ng nakaraang taon, nagsimula sila sa pagsusuri sa lagay ng reserbasyon at presyo ng mga hotel. Sinabi niyang:

"Bawat dalawang buwan, itinataya namin ang kalagayan ng reserbasyon at presyo ng lahat ng mga star hotels ng Beijing. Bawat 15 araw, isinasagawa namin ang isang sample survey. Sa kabuuan, matatag na tumataas ang reserbasyon ng mga guest room at matatag na bumababa ang presyo."

Hanggang sa katapusan ng Hunyo ng taong ito, lumampas sa 80% ng mga five-star hotel at halos 50% ng mga four-star hotel ang inireserbahan.

Bukod dito, handa na ang Athletes' Village ng 2008 Beijing Olympic Games para tanggapin ang mga atleta. May 64 flat sa Olympic Village na may mahigit 17 libong room. Itinayang mahigit 30 libong panauhin sa panahon ng Beijing Olympic at Paralympic Games ang tatanggapin nito. Isinalaysay ni Ginang Xiong na nag-organisa na ang National Tourism Administration ng espesyal na grupo para direktang magkaloob ng serbisyo sa Athletes' Village. Sinabi niyang:

"Noong Agosto ng taong ito, pumili kami ng 2580 kawani sa 12 kampanya ng hotel at bumuo ng mga pangkat para magkaloob ng serbisyo sa Olympic Village. Pumili rin kami ng 4900 guro at estudyante mula sa 28 pamantasan at kolehyo para magtingkad sa nayon ng Olimpiyada. Ngayon, natapos na nila ang pagsasanay at nagsimula na ng serbisyo."

Para sa mga turistang dayuhang naglalakbay sa Beijing, may isa pang pagpili: tumira sa mga tahanan ng mga residente. Pagkatapos ng mahigpit na pagpili, mga 600 pamilya ng Beijing ay may kayang tanggapin ang mga turistang dayuhan sa panahon ng Beijing Olympic Games. Sa kasalukuyan, interesado ang mga travel agency ng E.U., Kanada, Chile at Hapon sa ganitong family hotel. Sinabi ni Ginang Xiong na:

"Ang mga family hotel na ito ay makapagloloob ng 726 silid at makakatanggap ng mahigit isang libong turista isang beses. Lilikha ang mga ito ng isang plataporma para sa pagpapaibayo ng pagkakaibigang pangsibilyan sa pagitan ng mga resetende ng Beijing at mga manonood at turistang dayuhan at nagkaloob din ito ng mas maraming pagpili para sa kanila sa panahon ng Beijing Olympic Games."

Ipinahayag ni Ginang Xiong na itinatayang lalahok ang mga manlalaro sa mga aktibidad na panturista. Para rito, sa Athletes' Village at dalawang sentrong pampahayagan ay may itinayong travel service counter ng Beijing Tourism Administration para mag-alok ng may kinalamang mungkahi. Pumili sila ng 8 espesyal na linya para sa mga manlalaro at magkakaloob ng serbisyo sa 8 wika. Sa panahon sa Beijing Olympic Games, magbubukas ang Beijing ng 12301 hotline ng turismo para magkaloob ng 24 hour na serbisyo.