Sa panahon ng Beijing Olympic Games, idaraos ng Beijing ang maraming aktibidad na kutural para lumikha ng atmospera ng Olimpiyada. Sinabi ngayong araw ni Zhao Dongming, puno ng departemento ng kultural na akdibidad ng lupong tagapag-organisa ng Bejing para sa Olympiyada na sabay-sabay na idaraos ang naturang mga akdbidad sa loob at labas ng venues, at sa kauna-unahang pagkakataon, isasakatuparan ng Olympiyadang ito ang pagdaraos ng pagtatanghal na pampalakasan at kutural sa lahat ng Olympic events.
Isiniwalat sa mas media ngayong araw ni Zhao Dongming na bago ang pagsisimula ng iba't ibang olympic events o sa break sa pagitan ng dalawang events, idaraos ng 34 propesyonal na working team ang maraming pagtatanghal na pampalakasan at kultural.
"sa 32 Olympic events, idaraos ang mga palabas na kinabibilangan ng Wushu, sayaw at iba pa. ang mga palabas na ito ay para lumikha ng atomospera ng paligsahan. Nananalig akong ang gawaing ito ay naging isang bagong katangian para sa Olympic events."
Ngunit sa nakaraang mga Olympiyad, ang katulad na palabas ay makikita lamang sa mga events na gaya ng basketball.
Pagkatapos ng paligsahan, ang mga manood ay maaaring lumahok sa mas masaganang akdibidad na kultural sa labas ng venus. Sinabi ni Zhao na sa panahong iyon, idaoraos ang ilang daang palabas dito sa Beijing ng 20 libong actor mula sa mahigit 80 bansa at rehiyon.
Ang iba pang katangian ng akdibidad na kultural ng Olympiyada ay maraming pandaigdigang eksibisyon na kinabibilangan ng Olympic expo. Ito ay kaua-unahang ekspong idaraos sa Beijing na itataguyod ng pandaigdigang lupon ng olympiyada. Sinabi ni Zhao na ang naturang mga akdibidad na kultural ng Olympiyada ay may komong katangian: pandaigdig ito at maaari ito magpapasulong ng pandaigdigang pagpapalitan.
"umaasa akong ito ay maaaring magpakita ng kombinasyon ng diwa ng Olympiyada at kultura at sining, kombinasyon katangiang Tsino at pandaigdigang tradisyon. Hindi lamang dapat ipakita ang katangian ng kultura ng kasaysayan at nasyonalidad ng Tsina, kundi ring ipakita ang pagka-internasyonal at kombinasyon ng agkakaiba-ibang kultural sa pamamagitan ng malawak na pandaigdigang paglahok."
Kaya, para sa ginhawa ng paglahok ng mga dayuhang manonood, isinasaalang-alang ng host ang ngangangailangan nila. Sinabi ni Zhao na:
"Maraming turistang dayuhan ang darating ng Tsina. Makakaranas sila ng Olympiyada at kultura ng Tsina. Tiyak na mahihikayat sila.
Dahil sa panahon ng Olympiyada, may maraming akdibidad ng kultural na lalahukan ng maraming tao, ang katiwasayan ay pinakamahalaga. Ang lupong tagapagorganisa ng Olympiyada ng Beijing at mga kinauukulang departementong panseguridad ay mag-aaral ng mga hakbangin hinggil dito. Sinabi ni Zhao na ang gawain ng pangangalaga ng katiwasayan ay nangagnailangan ng pagkatig at koordinasyon ng mga mamamayan. Sa panahon ng Olympiyada, ang mga mamamamyan ng Tsina--host bansa ng Olympiyada ay dapat sumama sa mga overseas at ethnic Chinese at mga kaibigan sa buong daigdig sa pagpapasasa sa kasayahan na bunsot ng kuntura, sining at Olympiyada, at magkakasamang lilikha ng masayang atomospera para sa Olympic city.
Salin:Sarah
|