• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-29 19:27:31    
Beijing, magkakaloob ng walang sagabal na kumunikasyon para sa Olimpiyada

CRI

Ngayon ay ika-29 ng Hulyo. 10 araw lamang ang matitira para sa Olimpiyada ng Beijing. Sa isang news briefing na idinaos ngayong araw sa information center ng Olimpiyada sa Beijing, ipinahayag ng mga namamahalaang tauhan ng BOC, lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Committee at ng mga may kinalamang departamento na magkakaloob ang Beijing ng walang sagabal na serbisyo ng kumunikasyon sa panahon ng Olimpiyada.

Inilahad ni YuChunquan, puno ng departamaneto ng BOC sa kumunikasyon ang kalagayan sa pagtatakbo ng mga behikulong naglilingkod sa Olimpiyada noong nakaraang isang linggo. Sinabi niyang nananatiling maalwan sa kabuuan ang pagtatakbo ng kumunikasyon sa Beijing. Aniya, natuklasan din ang mga problema sa takbong ito, lalo na ang problema ng pangangailangang indibiduwal sa kumunikasyon. Ipinahayag niyang magkakaloob, hangga't maaari, ang mga may kinalamang departamento ng indibiduwal na serbisyong pang-kumunikasyon batay sa prinsipyo ng mga saligang pamantayan ng transportasyon para matugunan ang iba't ibang pangangailan sa trapiko.

Para maigarantiya ang mabilis at maligtas na serbisyong trapiko sa panahon ng Olimpiyada, mula noong ika-20 ng buwang ito, nagsagawa ang Beijing ng halinhinang pagtatakbo ng mga behikulo ayon sa even and odd number ng plaka. Kaugnay nito, ipinahayag ng namamahalang tauhan ng kawanihan ng pangangasiwa sa pampublikong seguridad at kumunikasyon ng Beijing na kapansin-pansin ang resulta ng naturang hakbangin. Noong isang linggo, nanatiling mainam ang kalagayang pangkumunikasyon sa buong Beijing at bumuti ang iba't ibang index ng hangin pagkatapos ng pagsasagawa ng naturang hakbangin.

Pagkatapos ng pagsasagawa ng halinhinang pagtatakbo ng mga behikulo ayon sa numero ng plaka, hindi lamang bumababa ang dami ng mga behikulo sa Beijing, kundi bumubuti ang kalidad ng hangin sa lunsod. Sinabi ng opisyal ng kawanihan sa pangangalaga sa kapaligiran ng Beijing na bumuti nang malaki ang mga index ng hangin sa Beijing sa buwang ito kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

Bukod dito, itinayo rin sa Beijing ang espesyal na line sa mga pangunahing daan para sa mga behikulong naglilingkod sa Olimpiyada. Ipinahayag ng opisyal ng kawanihan ng pangangasiwa sa kumunikasyon ng Beijing na itinakda na ng mga may kinalamang departamento ang planong komprehensibo para maigarantiya ang kumunikasyon sa Olimpiyada. Kasabay nito anya, papansinin din ng departamentong pangangasiwa sa kumunikasyon ang pangangailangan sa kumunikasyon ng lipunan at magkakaloob ito, hangga't maaari, ng maginhawang trapiko para sa mga mamamayan.