• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-30 18:55:58    
Tsina, buong-higpit na pinahahalagahan ang paglaban sa doping

CRI

Ang paglaban sa doping ay lubos na pinahahalagahan ng lahat ng mga punong-abala ng Olympiyada. Bilang punong-abala para sa gaganaping Beijing 2008 Olympic Games, walang eksepsyon dito ang Pamahalaang Tsino.

Sa isang preskon dito sa Beijing ngayong araw, sinabi ng mga opisyal Tsino na maayos na ang lahat ng mga gawaing may kinalaman sa doping-test at nagsisikap ang panig Tsino para makapagtaguyod ng isang malinis na Olimpiks.

Noong Nobyembre, taong 2007, simimulang isaoperasyon sa Beijing ang Chinese Doping-Test Laboratory. Kaugnay ng ginagamit na paraan ng pag-eksam sa doping, ganito ang sinabi ni G. Wu Moutian, Puno ng nasabing Laboratoryo at Pangalawang Direktor ng China Anti-Doping Agency.

"Ang paraang ginagamit namin ay isang paraan na opisyal na pinagtibay ng World Anti-doping Agency o WADA. Sa eksaminasyon ng WADA hinggil sa pagsusuri sa HGH na siyang doping na pinakamahirap na maisusuri, magaling ang performance ng panig Tsino at napakataas ng ibinigay na pagtasa ng WADA sa aming kakayahan."

Kumpara sa 2000 Sydney Olympics, inaasahang daragdagan ng 90% ang doping-test sa gaganaping Beijing Olympic Games at kumpara naman sa 2004 Athens Olympics, daragdagan naman ng 25% ang testing. Ito ay dahil lipos ng pananalig ang Pandaigdig na Lupong Olimpik o IOC sa kakayahan ng Beijing sa doping testing.

Pagdating naman sa doping-test sa mga atletang Tsino, ganito ang sinabi ni G. Zhao Jian, isa pang opisyal mula sa China Anti-Doping Agency.

"Pagpasok ng taong ito, sinimulan nang isagawa namin ang doping-test sa humigit-kumulang 2000 atletang Tsino. Mahigit 600 atletang Tsino ang lalahok sa idaraos na Olimpiyada at masasabing buong-higpit kami sa doping-test sa mga Olimpiyang Tsino."

Napag-alamang bumisita sa Tsina si John Fahey, Puno ng WADA, noong nagdaang Abril at binigyan niya ng mataas papuri ang Tsina sa gawain ng paglaban ng doping.

Sa nasabing preskon, isinalaysay rin ng mga opisyal Tsino na sapul nang simulang isagawa ng Tsina ang mga gawain laban sa doping noong katapusan ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, naitakda na ng Pamahalaang Tsino ang tatlong simulain na kinabibilangan ng buong-higpit na pagbabawal sa doping, buong-higpit na pag-iimbestiga at buong-higpit na pagparusa sa anumang may kinalamang kaso. Kasabay nito, binalangkas din ng Tsina ang iba't ibang may kinalamang batas at regulasyon na gaya ng Batas ng Republika ng Bayan ng Tsina sa Palakasan, Regulasyon sa Paglaban sa Doping at Regulasyong May Kinalaman sa Buong-Higpit na Pagbabawal sa Doping sa Palakasan.

Noong Agosto, taong 2006, lumagda ang Premyer Tsino sa Pandaigdig na Kombensyon Laban sa Doping sa Palakasan at sa gayon, ang Tsina ang nagsisilbing unang bansang Asyano na lumagda rito.

Napulot din ng Tsina ang mga sulong na karanasan ng mga panig na dayuhan para mapasulong ang pambansang gawain ng paglaban sa doping. Napag-alamang ang General Administration of Sport ng Tsina at kanyang mga sangay sa buong bansa ay may kani-kaniyang misyon pagdating sa pagbaka sa doping. Noong taong 2007, sa pag-apruba ng Konseho ng Estado ng Tsina, naitatag ang China Anti-doping Agency. Sinumang atleta na matutuklasang gumamit ng doping ay papatawan ng habambuhay na pagbabawal sa paglahok sa paligsahan. Bukod dito, pinag-iibayo rin ng Tsina ang anti-doping testing

Bukod dito, nagpapalaganap din ang Tsina ng mga may kinalamang karunungan sa publiko.