• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-31 18:05:08    
Mga istadyum ng BJ Olympic Games, nagtatampok sa sulong na teknolohiya

CRI

Upang salubungin ang Beijing Olympic Games, 12 bagong istadyum ang naitayo ng punong-abala. Sa konstruksyon ng nasabing mga istadyum, maraming sulong na teknolohiya ang ginamit.

Gawin nating halimbawa ang Olympic Rowing-Canoeing Park sa hilagang-silangan ng Beijing. Ito ang pinakamalawak na lugar ng paligsahan sa mga bagong tayong venue para sa ika-29 na Olimpiyada. Napag-alamang sa gaganaping palaro, idaraos dito ang mga paligsahan na gaya ng rowing, flatwater canoe racing, slalom canoe racing at marathon swimming. 32 medalyang ginto na katumbas ng 1/10 ng kabuuang medalyang ginto ng palaro ang paglalabanan sa venue na ito. Kaugnay ng katangian ng rowing-canoeing park na ito, ganito ang tinuran ni G. Li Dan, punong arkitekto nito.

"Sa aming pagdidisenyo ng parkeng ito, napulot namin ang karanasan ng mga panig na dayuhan sa pagtatayo ng ganitong venue. Kumpara sa dating mga Olimpiyada, ang aming parke ay ang siyang tanging venue na pinagsama-sama ang flatwater at slalom areas. Pagkatapos ng palaro, gagawin namin itong lugar na pang-aliwan para sa publiko at ang nasabing disenyo ay kombinyente para sa aming pangangasiwa."

Sa mga ginanap na test events, binigyan ito ng mataas na pagtasa ng mga atleta. Ganito ang koment ng isa sa mga miyembro ng Chinese National Rowing Team.

"Nasa istandard na pandaigdig ang mga kurso rito. Kasiya-siya ang kapaligiran at sulong din ang mga pasilidad."

Napag-alamang sa pagtatayo ng mga bagong venue para sa gaganaping Olimpiyada, ginamit din ng panig Tsino ang mga bagong materyal para makapagtipid ng likas na yaman at mapangalagaan ang kapaligiran. Sa nabanggit na rowing-canoeing park, naitatag ng mga teknisyan ang sistema ng muling paggamit ng tubig ng venue at sa gayon, walang maruming tubig ang ibubuga.

Ang Shooting Range Hall sa kanluran ng Beijing ang pagdarausan ng 10 events. Kaugnay ng disenyo ng venue na ito, ganito ang isinalaysay ni G. Qi Bin, isa sa mga tagadisenyo nito.

"Sa pagtatayo ng venue na ito, ginamit namin ang sulong na teknolohiya sa heating at ventilation system para makapagtipid ng enerhiya. Salamat sa teknolohiyang ito, kahit hindi bukas ang aircon, hindi makakaramdam ng init ang mga atletang nakasuot ng makapal na uniporme."

Ang isa pang halimbawa sa paggamit ng sulong na teknolohiya sa pagtatayo ng mga Olympic venue ay sa pagtatayo ng National Stadium o Bird's Nest, ginamit ng Tsina ang sarilinang yaring laminadong asero.

Ayon sa salaysay, upang itampok ang sulong na teknolohiya sa Beijing Olympic Games, halos 10 bilyong Yuan RMB o mahigit 1.4 na bilyong dolyares ang nailaan ng Pamahalaang Tsino at sangkaterba nito ay ginamit sa pagdidisenyo at pagtatayo ng mga venue.