• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-01 19:18:55    
Sumusunod sa pag-unlad ng Olimpiyada

CRI

Mga giliw na tagapagkinig, kasunod ng paglapit ng Beijing Olympic Games, handing-handa na ang mga boluntaryo para rito at sa mga ito'y makikita ang maraming dayuhang kaibigan. Sa programang "Beijing 2008" ngayong gabi, pakinggan ninyo ang kuwento ng isang Biyetnamong boluntaryo.

(sound 1) "Ikinasisiya kong maglilingkod sa Olimpiyada."

Ang karirinig ninyo na si Khuong Thi Thanh Hoai, isang estudyante ng University of International Business and Economics ng Tsina na galing sa Hanoi ng Biyetnam. Sa kasalukuyan, pagkaraan ng 3 taong pag-aaral sa Beijing, siya'y naging isang boluntaryo ng Olimpiyada.

Maliit si Khuong, malambot ang tinig niya at nang ngumiti siya, ang mga mata niya ay naging isang linya. Siya'y isang tunay na apisyunado ng palakasan. Noong nakaraang 7 taong natamo ng Beijing ang karapatan ng pagdaraos ng Olimpiyada, siya ay isang mag-aaral sa mataas na paaralan at mahilig sa paglalaro ng putbol sa kalye at hindi niyang nalamang ano ang Olimpiyada noong panahong iyon. Nagtamasa siya lamang ng kasiyahan ng palakasan.

Pagkatapos nito, sinimulang malaman ni Khuong ang Olimpik at sinabi niya na ito'y arena ng mga manlalaro para hamunin ang kanyang sarili at hangarin ang 'mas mabilis, mas mataas at mas malakas' na layunin at ang maringal na pista ng pagtitipun-tipon ng mga mamamayan ng buong daigdig para magkamit ng pagkakaibigan at magpalitan ng kultura sa pamamagitan ng palakasan. Nang malaman niyang idaraos ng Beijing ang 2008 Olympic Games, saka nagkaroon siya ng hangarin na pumunta sa Beijing para manood ng Olimpiyada at para sa kaniya, ang Beijing ay lunsod na malapit sa kaniyang bansa. Ang mas mapala'y pagkatapos ng kaniyang kurso sa mataas na paaralan, may intensyon ang kanyang mga magulang na ipadala siya para mag-aral sa ibayong dagat, kaya pinili niya nang walang anumang atubili ang Beijing para isakatuparan ang kaniyang pangarap na manood ng Olimpiyada.

Abala at mayaman ang kaniyang pag-aaral at pamumuhay sa Beijing. Sa kaniyang 4 na taong pananatili roon, nakita niya ang lahat ng ginagawa ng Beijing para sa Olimpiyada. Kasunod ng paglapit ng Olimpiyada, namamayani sa buong lunsod ang atmospera ng Olimpiyada

"Mula pagdating ko sa Beijing hanggang ngayon, malaki ang pagbabago roon na gaya ng arkitektura, kultura, lalo na ng pagpapahalaga ng Beijing ng pangangalaga sa kapaligiran. Namamayani ang atmosperang panalubong ng Olimpiyada sa apat na sulok ng Beijing at masiglang masigla sa Olimpiyada ang mga tao na kinabibilangan mga dayuhan sa Beijing."

Kasunod ng paglapit ng Olimpiyada, ipinalalagay ni Khuong na ang kaniyang pag-asa sa Olimpiyada ay hindi lamang pagnood ng paligsahan, kundi paglahok. Sinabi niya na upang ipakita sa buong daigdig ang isang makukulay na Olimpiyada, isinagawa ng pamahalaan ng Beijing ang napakalaking pagsisikap para likhain ang isang mabuting kapaligiran ng pagnood ng paligsahan sa mga manonood. Mula pagbuti ng anyo ng lunsod hanggang konstruksyon ng mga stadium, ang lahat ng mga detalye nito ay nagpapakita ng pagsikap ng mga naninirahan ng Beijing. Kahit hindi lalahok sa Olimpiyada bilang manlalaro, ipinalalagay niya na hindi dapat maghalukipkip. Noong katapusan ng nagdaang taon, nagpatala siya at naging isang boluntaryo ng Olimpiyada. Sinabi niya na(sound 3)

"Nanonood ako ng programa ng Olympic Channel ng CCTV tuwing araw para dagdagan ang kaalaman hinggil sa Olimpiyada at bumibisita sa mga website na may kinalaman sa mga boluntaryo para palalimin ang pagkaunawa sa kanilang mga gawain."

Mahigit 100 estudyanteng Biyetnames sa kaniyang unibersidad ang nagpatala para maging boluntaryo ng Olimpiyada, datapuwa't siya lamang ang nakapasa ng huling pagsulit. Sinabi niya na ang pagiging boluntaryo ay isang karangalan sa kaniyang habang buhay at lubos na pinahahalagahan niya ang pagkakataong ito.

Sa kasalukuyan, lumalahok si Khuong sa may kinalamang pagsasanay ng lupon ng Olimpiyada ng Beijing at mula unang araw ng darating na Agosto, titira siya, kasama ng iba pang mga boluntaryo, sa Nayon ng Olimpiyada para maglingkod sa mga manlalaro ng iba't ibang bansa ng daigdig at sa panahong iyon, tunay na tutupdin niya ang pangarap sa pagsangkot sa Olimpiyada. Sinabi niya na umaasang tatanggapin ang mga manlalalaro ng kaniyang inangbayan sa Olympic Village at pasisiglahin sila.

"Kahit ang aking bansa ay hindi malakas na bansang pampalakasan, sa palagay ko, kapuri-puri ang diwa ng aming mga manlalaro sa aktibong paglahok at puspusang pagpupungyagi sa Olimpiyada at umaasa akong matatamo nila ang mas maraming medalya sa Olimpiyadang ito."