Mula ika-3 hanggang ika-5 ng buwang ito, inihatid sa Sichuan ang Beijing Olympic Torch. Bilang huling stop bago nang ihatid sa host city Beijing, napakalaki ng katuturan ng torch relay sa Sichuan.
Noong ika-3 ng buwang ito, naihaitd ang Olympic Flame sa lunsod ng Guang'an, lupang-tinubuan ni Deng Xiaoping, punong tagapagdisenyo sa reporma't pagbubukas sa labas at modernong konstruksyon ng Tsina. Ang unan torchbearer sa stop na ito ay bayani sa paglaban sa lindo na si Jiang Min, tinawag siyang pianakamabait na babaeng pulis sa Tsina dahil sa pagpapakita niya sa panahon ng lindol. Nang matapos ang kaniyang paghahatid, sinabi niyang:
"Lucky na lucky ako sa pagiging torchbearer, lalung lalo na sa pagiging unang torchbearer ng torchrelay sa Sichuan, gusto kong pasalamantan ang lahat ng mga tao. Sa palagay ko, ang torchrelay ay naghahatid ng isang diwa at kailangang kailangan ang diwang ito para sa rekonstruksyon ng Sichuan. Kung magkasang magsisikap tayo, tiyak na magiging mas maganda ang aming lupang-tinubuan sa hinaharap."
Pagkatapos nito, inihatid sa lunsod ng Leshan noong ika-4 ng buwang ito ang Olympic Flame. Napansin ng mga taong nananatiling maganda ang Sichuan pagkaraan ng lindol. Sinabi ng unang torchbearer ng stop na ito na si Gao Min, Olympic Diving Champion kung sino ay isang taga-Sichuan rin na:
"Ipinalalagay kong pangingibawaan ng Olympic Games ang sarili nito, naging itong pinakamalaking tanghalan sa pagpapuri sa pagkatao. Gusto kong makakaaantig sa mga aepektadong mamamayan ang Olympic Spirit sa pamamagitan ng torch relay at sa gayo'y, magpapabago-anyo sa kanilang pamumuhay."
Noong hapon nang araw ring iyon, magkahiwalay na itinanghal din ang sulo sa Mianyang at Guanghan, dalawang grabeng nilindol na purok sa Sichuan.
Nong ika-5 ng buwang ito, naihaitd sa Chengdu ang Olympic Flame. Bilang punong lunsod ng nilindol na lalawigang Sihcuan, lubos na ipinakikita ng paghahatid sa stop na ito ang mga elemento hinggil sa paglaban sa lindol. Sinabi ni Yu Zhirong, huling torchbearer sa torchrelay sa Chengdu at punong komander ng Hero Regiment of Army Aviation na:
"Ang torchrelay ay naghahatid ng isang tumataas na diwa. Para sa mga taga-sichuan na nasa yugto ng rekonstruksyon, umaasa akong magpapasigla ang diwang ito sa lahat ng mga apektadong mamamaya sa pamamagitan ng torch relay."
Datpuwa't 3 araw lamang ang paghahatid ng Olympic Flame sa Sichuan, nagsindi ng pangarap at pasyon ng lahat ng mga taga-Sichuan at ibayo pang nagpapalakas sa kompiyensa at lakas ng mg aapektadong mamamayan sa rekonstruksyon ng kanilang lupang-tinubuan. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, gusto rin ng mga taga-Sichuan na pasalamatan ang lahat ng mga tao na nagbibigay-pasin't tulong sa kanila at iabot ang kanilang pagpapadala sa Beiing Olympics. Sinabi ni Tang Li, residente ng Chengdu na:
"Nang ihatid ang sulo ng Olimpiyada sa ibang lunsod, nakita namin ang pag-aabuloy ng pondo at pagbati ng mga kababayang Tsino sa amin, totoong tumimo ito sa aming puso. Masisipag, matatapang at matitibay ang mga taga-Sichuan at tiyak na muling itatatag namin ang aming lupang tinubuan. Bumabati kami sa maalwang paghahatid ng sulo ng Olimpiyada at bumabati rin sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games."
|