• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-06 17:53:47    
Olympic Flame, dumating ng Beijing

CRI
Pagkaraan ng paghahatid sa 19 lunsod sa 19 bansa ng 5 kontinete, sa 30 lalawigan, rehiyong autonomo, munisipalidad, HK at MACOW ng Tsina, ngayong araw, ang 2008 Beijing Olympic flame ay dumating ng Beijing, kapital ng Tsina at host city ng Olympic Games, para sa paghahatid.

Noong alas-8 ngayong umaga, sinimulan ang Olympic Torch relay sa Meridian Gate square ng Forbidden City ng Beijing. Sina Liu Qi, pangulo ng lupon ng tagapag-organisa ng Olympiyada ng Beijing at Lambis V.Nikolaou, pangalawang pangulo ng International Olympic Committee o IOC ay magkasamang lumahok sa seremoniya ng paghahatid. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Guo Jinlong, tagapangulong tagapagpaganap ng lupon ng tagapag-organisa ng Olympiyada ng Beijing at akalde ng Beijing, na handang handa na ang lahat ng gawaing preparatoryo para sa Beijing Olympic Games. Sinabi niyang:

"Ang paghahatid ng Olympic Torch sa Beijing ay nagpapakita ng kasaysayan at kultura ng silangang matandang kapital na ito sa buong daigdig at ng malaking bunga ng reporma at pagbubukas ng Bejing sapul noong nakaraang 30 taon. "

Ang Olympic Torch relay sa Beijing ay dadaan ng 7 distrito at maraming historikal na lugar. Ang kabuuang haba ng Torch relay ay 16.4 kilometro na nilahukan ng 433 torchbearer. Sinabi ni 14 taong gulang na torchbearer Ren Yi na:

"pagiging isang torchbearer ay isang kaluwalhati. Para sa akin, ito ay isang responsibilidad rin. "

Ang mga torchbearer sa Beijing ay hindi lamang mga tao galing sa iba't ibang sirkulo ng lipunan, kundi rin mga stars galing sa sirkulo ng pansining na tulad ni Zhang Yimou, kilalang direktor ng Tsina.

Ngayong araw ay dalawang araw na count down para sa pagbubukas ng 2008 Beijing Olympic Games kaya napakasigla ng mga mamamayan ng Beijing sa pagsalubong ng Olympic torch. Sinabi ng isang mamamayang ng Beijing na :

"maringal ang tagpong ito. kung andyan kayo mismo, nararamdam ninyo na malalim na nakikisalamuha sa Olympiyada. "

Ang Olympic Torch relay ay prelude ng Olympic Games, isang malakas na pag-uugnay sa pagitan ng matandang Olympiyada at modernong Olympiyada at mahalagang akdibidad ng Olympiyada na sumusunod lamang sa Olympic sports events.

Gabi ng ika-8 ng Agosto, sa buong sabik na pag-aantabay ng mga tao, sisindihan ng pinakahuling torch bearer ang main torch tower na nasa National Stadyum o Birds nest. At ang nakaaantig-pusong sandaling ito ay magiging palatandaan ng opisyal na pagbubukas ng 2008 Beijing Olympic Games. Kasabay nito, kasiya-siyang matatapos ang Beijing Olympic Torch Relay na may pinakamahabang panahon, pinakamalaking saklaw, at pinakamaraming kalahok sa buong daigdig.

Salin:Sarah