• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-07 18:45:12    
Mga miyembro ng pamilyang Olimpik, nagtitipon-tipon sa Beijing

CRI

Ngayong araw ay ika-7 ng Agosto ng taong 2008, may hangin at ulap, at isang araw lamang ang makakaraan darating na ang pagbubukas ng ika-29 na Olimpiyada.

Sa Olympic village kaninang umaga. Kasabay ng ritmo ng Olympic Anthem, idinaos dito ng mga delegasyon ng Timog Aprika, Norway at iba pang bansa ang seremonya ng magkakasanib na pagtaas ng mga pambansang watawat. Sinabi ni Ginoong Chen Jian, direktor ng Olympic Village na nangulo sa seremonyang ito na,

"Magsisikap kami hangga't maaari upang magkaloob ng pinakamahusay na serbisyo sa iba't ibang delegasyon. Ang islogan ng Beijing Olympic Games ay "One World, One Dream", at umaasa kaming sa pamamagitan ng Beijing Olympic Games, maglalatag ng tulay ng pagkakaibiga't pag-uunawaan sa pagitan ng iba't ibang bansa at kani-kanilang mga mamamayan."

Pagkatapos ng nabanggit na seremonya, sinabi sa mamamahayag ni Tubby Reddy, pangalawang puno ng delegasyong Timog Aprikano na lipos siya ng pag-asa sa Beijing Olympic Games.

"Ito ang ika-4 na beses na lumahok ako sa Olimpiyada at pinakamabuti dito. Umaasa kaming magsisipag para matamo ang medalya sa paligsahan ng swimming, track and field, rowing at canoe."

Nang araw ring iyon, sunud-sunod na dumating ng Beijing ang mga mahalagang panauhing dayuhan na kinabibilangan nina pangulong George W. Bush ng Estados Unidos at punong ministro Vladimir Putin ng Rusya. Pumunta sila sa Beijing na may dalang kani-kaniyang pangarap ng Olimpiyada at naghahatid din ng kasiglahan at pag-asa ng komunidad ng daigdig sa diwa ng Olimpiyada.

Ang nakakasiglang atmospera ay namamayani sa iba't ibang sulok ng Beijing. Bago ang pagbubukas ng Beijing Olympic Games, dumating na ng Beijing si Henry Bronkhorst, isang turistang galing sa Holland. Pagkaraan ng paglalakbay sa Old Summer Palace, Summer Palace at iba pang kilalang tourist spot ng Beijing, sinabi niya na,

"Napakaganda ng Beijing. Maganda ang lahat ng mga bagay at exciting na exciting ako. Nagtrabaho minsan nang 5 taon ako sa Holland Olympic Committee. Ito ang napakabuting pagkakataon para sa akin na pumarito sa Beijing. Nakakaramdam kayo ng atmospera't kasiglahan ng Beijing. Buong pananabik na aantabayanan ko ang football event at seremonya ng pagbubukas."

Upang mainit na salubungin ang Olimpiyada, hindi lamang idinidispley ng Beijing ang mga matatandang tourist spots, kundi rin ang modernong imahe nito. Taos-pusong pinapurihan naman ni Ginang Tatiana Lebedeva na galing sa Rusya, ang modernong imahe ng Beijing, sinabi niya na,

"Nakita namin ang maraming bagong tourist spots at square na may kinalaman sa Olimpiyada, napakaganda nito at nakakaramdam kami ng masiglang atmospera sa iba't ibang sulok ng lunsod. Handang handa na ang lahat ng mga gawain dito para sa Olimpiyada at napakasigla ng mga mamamayan. Minamahal namin ang Beijing."

Ayon sa pagtaya ng Kawanihan ng Turista ng Beijing, sa panahon ng Olimpiyada, 400 libo hanggang 500 libong turistang dayuhan ang papasok sa Tsina at 6 milyon hanggang 7 milyong person-time lahat-lahat ang mga dignitaryong paunahing dayuhan, mamamahayag, atleta at manonood mula sa loob at labas ng bansa na lumahok sa Olimpiyada. Winiwelkam ng Beijing ang mga kaibigan mula sa 4 na sulok ng daigdig, at winiwelkam din ang pagdating ng maringal na paligsahang pampalakasan ng Olimpiyada.