Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.
Marami nang nagpapaabot ng kanilang pagbati sa pagbubukas ng 2008 Beijing Olympic Games. Maraming salamat sa inyo. Sana magkaroon kayo ng chance na makapanood. Minsan lang ito. Talagang minsan lang.
"Ako ay Star" sa pag-awit ni Emil Chau.
Alam niyo, sa grupo ng mga manlalaro, merong star at merong pa-istar. Iyong star ay iyong pinakamagaling at pinakapopular sa kanila at iyong pa-istar naman ay iyong walang K perong trying hard-trying hard na matawag na star.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng oOlympic Songs ng SerbisyoFilip;ino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Iyan naman ang mga tinig ng iba't ibang kilalang mang-aawit na Tsino sa awiting "Handa na Kami."
Sabi ng 0041 787 882 084: "Kuya, handang handa na ang Beijing. Finishing touches na lamang. Ready na ultimo iyong Media Village. Ito ata ang pinakahuling binuksan. Hinihintay na lang ang moment of truth."
Salamat sa iyo.
"Isang Mundo, Isang Pangarap," inihatid sa ating masayang pakikinig ni Guan Zhe.
Bigyang-daan natin ang dalawa pang SMS.
Sabi ng 919 648 1939: "Sana makapag-uwi ng ginto ang mga mamamayan natin. Magandang pagkakataon ito para manalo kasi ang Beijing Olympics ay itinuturing na special sa history ng Olympics."
Thanks sa SMS.
Sabi naman ng 917 351 9951: "Hindi dapat haluan ng pulitika ang Olympic Games. Ito ay pagtatagpo ng mga propesyonal na manlalaro mula sa iba't ibang lugar ng mundo. Hindi dapat ipasok dito ang mga isyung pampulitika."
Salamat din sa iyo.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edisyong ito ng Gabi ng Olympic Songs. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|