• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-08 17:08:50    
Hu, naghandog ng bangketeng panalubong para sa mga dignitaryong panauhin mula sa apat na sulok ng daigdig

CRI

Ngayong tanghali, naghandog si Pangulong Hu Jintao ng Tsina at ang kanyang senyora ng bangkete para salubungin ang mga dignitaryong panauhin mula sa apat na sulok ng daigdig. Makikita sa mga panauhin si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas at ang iba pang puno ng Estado at puno ng pamahalaan ng iba't ibang bansang dayuhan.

Unang una, bumigkas ng talumpating panalubong si Pangulong Hu. Sinabi niya na:

"Sa proseso ng pagbibid at paghahanda ng Beijing para sa ika-29 na Olimpiyada, binibigyan kami ng komunidad ng daigdig ng puspusang suporta. Sa ngalan ng sambayanang Tsino, gusto kong pasalamatan kayong lahat."

Sinabi ni Hu na ang Olimpiyada ay hindi lamang pagtitipun-tipon ng mga manlalaro ng iba't ibang bansa, kundi maging plataporma ng pagpapalitan ng iba't ibang kultura.

"Sa pamamagitan ng pagsangkot sa Olimpiyada, dapat nating palaganapin ang diwang Olimpik ng pagkakaisa, pagkakaibigan at kapayapaan para mapasulong ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa at ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng buong mundo."

Binigyang-diin ng pangulong Tsino na sa proseso ng paghahanda para sa Olimpiyada, seryosohang tinutupad ng Tsina ang mga pangako nito nang alinsunod sa tatlong idea ng Beijing Olympic Games na Berdeng Olimpiyada, Hi-tek na Olimpiyada at Olimpiyada ng Sangkatauhan.

Bilang panapos, sinabi ng pangulong Tsino na:

"Lipos ako ng pananalig na sa suporta ng International Olympic Committee at ng pamilyang Olimpik, maghahandog tayo ng isang katangi-tangi at may mataas na lebel na Olimpiyada."