• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-08 19:19:57    
Beijing Olympics, bubuksan

CRI

Ngayong gabi, Beijing time, aawitin ang "Olympic Song" sa Beijing, kapital ng Tsina, at opisyal na bubuksan ang ika-29 na Olympic Games.

Ngayong gabi, nagtitipun-tipon ang mga manlalaro mula sa 205 bansa't rehiyon sa ilalim ng five-ring flag at sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, at naisakatuparan ng pamilya ng Olimpiyada ang "kalakihang pagtitipong muli".

Ito ang sandaling higit na pinananabikan ng mga mamamayang Tsino at napapansin ng iba't ibang bansa ng daigdig. Sinasabi ngayon sa buong daigdig ng 1.3 bilyong mamamayang Tsino: "Welcome to Beijing"!

Sa ngalan ng 1.3 bilyong mamamayang Tsino, nagpalabas si Pangulong Hu Jintao ng Tsina ng mainitang imbitasyon sa buong daigdig.

"Ang Beijing Olympic Games ay nabibilang sa mga mamamayang Tsino at lalong lalo na sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa daigdig. Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, mainit na tinanggap ko ang mga kaibigan mula sa iba't ibang purok ng daigdig sa paglahok at panonood sa Beijing Olympics at ang mga mamamahayag mula sa iba't ibang purok ng daigdig sa pagkokober sa Beijing Olympics."

Sa sandaling ito, pinag-uukulan ng mga mamamayan ng buong daigdig ng pansin ang Tsina at Beijing. Pagkaraang pakinggan sa pinal na ulat noong ika-2 ng kasalukuyang buwan ni Rogge, tagapangulo ng International Olympic Committee (IOC), ang pagsalaysay ng Beijing Olympic Committee hinggil sa paghahanda para sa Olimpiyada, sinabi niya na:

"Hinding hindi nanghihinayang ang IOC sa pagbibigay ng karapatan ng pagtataguyod ng Olimpiyada sa Beijing. Sa ika-8 ng Agosto, ang perpektong gawain ng tagapag-organisa para sa Olimpiyada ay hahalili ng lahat ng pagtatalo."

Tama o hindi ang papuri ni Ginoong Rogge, mapapatunayan ito ng kung maihahandog ng Beijing ngayong gabi ang isang makulay na seremonya ng pagbubukas ng Olimpiyada.

Ayon sa pagtaya, sisimulan ang seremonya ng pagbubukas sa mga alas-8 ngayong gabi (Beijing time) at tatagal nang halos tatlo at kalahating oras.

Kaugnay ng ideyang mapanlikha ng seremonya ng pagbubukas ng Olimpiyadang ito, sinabi ni Zhang Yimou, pangkalahatang direktor ng seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Beijing Olympic Games, na:

"Gaano kaluningning ang 5000-taong kasaysayan ng Tsina, ang ipapakita natin sa buong daigdig ngayong bagi ay hindi dapat maging isang pagtatanghal lamang. Ibig sabihin, dapat ito maging maganda ang himig , dapat itong ikintal sa isip ng tao at maging nakaantig sa puso."

Napag-alaman, gagamitin ng seremonya ng pagbubukas ang maraming elementong Tsino at ipapakita sa buong daigdig ang 5000-taong maluningning na kultura ng nasyong Tsino at ang anyos ng kasalukuyang lipunang Tsino, at ipapakita ang perpektong pagsasama ng elementong Tsino at diwa ng Olimpiyada.

Walang duda na ang paraan ng pagsindi ng main torch ng Beijing Olympics ay nakakatawag ng pinakamalaking pansin. Ito ang pinakamataas na sekreto ng mga dating Olimpiyada at ipapalabas ito sa pinal na sandali. Maghintay tayo ng makaantig-damdaming sandaling ito. Bukod sa mga may kinalamang aktibidad ng seremonya ng pagbubukas, may marami iba pang spotlight na karapat-dapat na pansinin, at ang mga ito ay ipinalalagay ng mass media na lumikha ng maraming rekord.

Sa seremonyang ito, makikita ng mga tao ang maraming mahahalagang personahe ng pamahalaan at estado ng iba't ibang bansa at ang bilang nito ay naging rekord sa kasaysayan. Ang mga ito ay kinabibilanga nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, First Gentleman Jose Miguel Arroyo, Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, Punong Ministro ng Thailand, Pangulo ng Biyetnam, Pangulo ng Estados Unidos, Punong Ministro ng Hapon at iba pa.

Ang bilang ng kalahok na delegasyon sa Olimpiyada ay naging rekord naman sa ksaysayan ng Olimpiyada na ang mga ito ay galing sa 205 bansa at rehiyon.

Ayon sa estadistika, ang 4 bilyong tao sa buong daigdig ay manonood ng Beijing Olympic Games na naging pinakamataas na rekord sa bilang ng mga manonood ng Olimpiyada. Kasabay nito, kauna-unahang ginamit ng IOC ang mga bagong media na gaya ng Internet, mobile phone bilang nagsasariling organong pansasahimpapawid.

Ang theme slogan ng Beijing Olympic Games ay "One World! One Dream!" na nagpapakita ng komong paghahangad ng sangkatauhan sa "kapayapaan, pagkakaibigan, progreso". At ang paghahangad na ito ay lubos na ipinakikita sa desenyo ng "Fuwa"--Beijing Olympic Mascot. Ang mga pangalan ng naturang limang "Fuwa" ay Beibei, Jingjing, Huanhuan, Yingying at Nini, ay kasimbigkas ng "Beijing Huan Ying Ni" sa wikang Tsino na nahuhulugang "Welcome to Beijing". Sa okasyon ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, sa ngalan ng 1.3 bilyong mamamayang Tsino, nagpalabas sila ng imbitasyon sa mga mamamayan ng buong daigdig na "Welcome to Beijing".

Si Huanhuan ay simbolo ng Olympic Flame at kasiglahan. Pinalalaganap nito ang kasiglahan sa daigdig at ang diwa ng Olimpiyada na mas mabilis, mas mataas at mas malakas.

Sa paglagom ng proseso nitong pitong taong nakalipas sapul nang matagumpay na i-bid ng Beijing ang Olimpiyada, kay dami ng masiglang sandali!

Noong ika-13 ng Hulyo ng 2001, nang ipatalastas sa Moscow ni Juan Antonio Samaranch, tagapangulo ng IOC na nagtagumpay ang Beijing sa pagbi-bid sa 2008 Olympic Games, ang masiglang atmospera ang namamayani sa buong Tsina.

Sa proseso ng paghahanda ng Tsina para sa Olimpiyada, natupad ng mga mamamayang Tsino ang kanilang pangako at lumikha ng kay raming exciting sandali.

Noong ika-13 ng Hulyo ng 2002, opisyal na ipinalabas ng Tsina ang dalawang temang "Bagong Beijing, Bagong Olimpiyada" at ang tatlong ideyang "Berdeng Olimpiyada, Siyentipikong Olimpiyada at Kultural na Olimpiyada".

Noong ika-3 ng Agosto ng 2003, opisyal na isinapubliko ang sagisag ng ika-29 na Olimpiyada.

Noong gabi ng ika-13 ng Hulyo ng 2004, opisyal na isinapubliko ang sagisag na "Sky, Earth, People" ng Beijing 2008 Paralympics.

Noong ika-26 ng Hunyo ng 2005, opisyal na isinapubliko ang theme slogan ng ika-29 na Olimpiyada na "One World, One Dream". Noong ika-11 ng Nobyembre ng 2005, opisyal na isinapubliko ang "Fuwa"--Mascot ng ika-29 na Olimpiyada.

Noong ika-29 ng Abril ng 2006, tiniyak sa bandang huli ang mga events ng paligsahan ng ika-29 ng Olimpiyada na kinabibilangan ng 28 malaking events at 302 maliit na events.

Noong ika-27 ng Marso ng nagdaang taon, isinapubliko ang medal style sa ika-29 na Olimpiyada. Noong ika-14 ng Abril ng nagdaang taon, opisyal na ipinatalastas ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing sa Olimpiyada, ang pagbibili ng tiket ng ika-29 na Olimpiyada sa mga mamamayan ng buong daigdig. Noong ika-27 ng Abril ng nagdaang taon, solemnang isinapubliko ang ruta ng plano ng torch relay at sulo ng ika-29 na Olimpiyada.

Sapul nang pumasok sa taong 2008, kasunod ng paglapit ng seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympics, nagiging mas marami ang mga naka-antig damdaming sandali.

Noong alas-11:45 ng ika-24 ng Marso ng kasalukuyang taon, kasunod ng solemnang musika, idinaos ang seremonya ng pagkolekta ng flame ng Beijing Olympic Games sa Temple of Hera--pamanang purok ng matandang Olimpiyada.

Pagkatapos nito, isinagawa sa Greece ang isang linggo na paghahatid ng Olympic Flame, at dumating ng Beijing ito noong ika-31 ng Marso ng taong ito. Noong umaga ng araw na ito, idinaos sa Tian'anmen Square ang seremonya ng pagsisimula ng paghahatid ng sulo. Iniabot ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina ang sulong kauna-unahang sinindihan sa lupaing Tsino, kay Liu Xiang, bantog na manlalarong Tsino.

"Ipinatalastas ko na simula ang paghahatid ng sulo ng 2008 Olympic Games!"

Mula sandaling ito, magkakasunod na bumisita ang ika-29 na Olympic Flame sa 19 na lunsod ng 19 bansa sa daigdig. Noong ika-30 ng Abril, dumating ng Hongkong ang Olympic Flame.

Pagkatapos nito, sinimulang ihatid ang sulo ng Olimpiyada sa interyur ng Tsina. Noong ika-8 ng Mayo, sa kauna-unahang pagkakataon, inihatid ang Olympic Flame sa taluktok ng Mt. Qomolangma.

Noong ika-6 ng Agosto, pagkaraang ihatid ang sulo ng ika-29 na Olimpiyada sa 19 na lunsod sa daigdig, interyur ng Tsina at Hongkong at Macao, dumating ng kabiserang Beijing ng Tsina kung saan idaraos ang Olimpiyada.

Ang inyong naririnig ay musikang inilarawan ang isa sa mga "Fuwa" na si Yingying. Si Yingying ay isang Tibeten Antelope. Bilang espesyal na hayop na pinangangalagaan ng Tsina, si Yingying ay simbolo ng "Berdeng Olimpiyada"--isa sa tatlong ideya ng Beijing Olympic Games.

Ang Beijing ay isang lunsod na kulang sa tubig, kaya ang pagtitipid at recycling paggamit ng tubig ay naging priyoridad na dapat pag-isipan sa konstruksyon ng mga Beijing Olympic venues. Bunga ng paggamit ng mga teknolohiyang gaya ng pagkolekta ng ulan, pagtrato sa kontaminadong tubig at muling paggamit, lumampas sa 80% ang rate ng komprehensibong paggamit ng ulan sa purok ng Beijing Olympic venues. Bukod dito, bunga ng paggamit ng mga berdeng teknolohiya ng enerhiya na gaya ng solar energy, wind energy at geothermal heat, ang mga Olympic venue ay naging mga arkitekturang gumagamit ng pinakamaraming solar energy sa daigdig.

"Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot sa 43% ang saklaw ng halaman ng Beijing, at 70.49% ng mga bundok at burol ang naging berde. Itinatag na sa buong lunsod ang 20 natural reserve zone na katumbas ng 8.18% ng kabuuang sakop ng buong lunsod. Kasiya-siyang naisakatuparan ng Beijing ang pangako nito sa ulat ng pagbi-bid sa Olimpiyada hinggil sa pagpapaberde ng lunsod."

Ang inyong napakinggan ay mula kay Dong Ruilong, puno ng Kawanihan ng Pagpapaberde ng Beijing. Ayon sa kaniya, pagkaraan ng pitong taong pagsisikap, naisakatuparan na ng Beijing ang lahat ng pangako nito hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran.

Samantala, pinalakas ng Beijing ang pagsasaayos sa hangin, at isinagawa ang mga hakbangin na gaya ng paglilipat, pagtigil ng produksyon at inobasyong panteknolohiya sa mga bahay-kalakal na na malubha ang polusyon.

Maliksi ang antilope at nanganghas sa paggagalugad ng di-kilalang daigdig, kaya si "Fuwa" Huanhuan ay sumasagisag din ng diwa ng "siyentipikong Olimpiyada" sa tatlong ideya ng Bijing Olympics. Noong ika-8 ng Mayo, matagumpay na nakarating ang Beijing Olympic Flame sa taluktok ng Mt. Qomolangma. Salamat sa paggamit ng maunlad na teknolohiya, sa kabila ng low temperature, low-pressure at malakas na hangin sa taluktok ng Mt. Qomolangma, ang sulo ay buong ipinagmamalaging tamatanglaw sa taluktok ng daigdig. Para rito, itinatag ng China Aerospace Science & Industry Corp. ang espesyal na departamento ng pananaliksik sa torch relay sa Mt. Qomolangma. Binalik-tanaw ni Shao Weiqing, pangalawang punong taga-desenyo ng departamentong ito, ang mahirap na prosesong ito.

"Wala anumang pundasyon ang proyektong ito. Sa kondisyon ng high-altitude (mahigit 8 libong metro) at napakababang air pressure, kung nais matupad ang mga kahilingan na gaya ng pagpapanatili ng apoy sa takdang panahon, pagkakaroon ng magandang ayos ng apoy at pangangalaga sa kapaligiran, ito ang isang malaking hamon para sa proyekto ng paghahatid ng sulo sa Mt. Qomolangma. Pagkaraan ng mahigit dalawang taong pagsisikap at napakaraming pagsubok at pagbabago ng plano, kasiya-siyang natapos ang tungkuling ito."

Sa katunayan, sa kurso ng paghahanda para sa Olimpiyada, lumikha ang Tsina ng maraming record sa lansangang siyentipiko. Nakalikha ang "Bird Nest"--main venue ng Olimpiyada, ng maraming "rekord sa daigdig": pinakamalaki ang saklaw, pinakamarami ang ginamait na asero, pinakamataas ang bolyum na panteknolohiya, pinakamasalimuot ang estruktura at pinakamahirap ang konstruksyon.

Bukod dito, ang asero at bagong material na ginamit sa maraming proykto ng Olimpiyda ay pawang niyari ng Tsina.

Ito ay isang musikang isinalarawan si Fuwa Jingjing. Si Jingjing ay isang kaibig-ibig na panda at naghahatid ng kagalakan saan man lugar na siya dumating. Ang kagalakan at kasiglahang ipinakikita ng mga mamamayang Tsino sa pagsalubong sa Beijing Olympic Games ay lubsang nagtatampok ng ideyang "People's Olympics".

Noong umaga ng ika-27 ng nakaraang buwan, opisyal na binuksan ang Olympic Village. Sa seremonya ng pagbubukas nito, sa ngalan ng pamahalaang Tsino, winelkam ni Chen Zhili, puno ng Olympic Village at pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang pag-check-in ng mga manlalaro at opisyal ng iba't ibang bansa.

"Ang nukleo ng pagdidisenyo ng buong Olympic Village ay pagsunod sa prinsipyong "ipauna ang tao". Magsisikap kami sa pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong nagkakaiba sa kultura at sebihiyon sa mga pinong aspekto at umaasa kaming masisiyahan kayo sa pasilidad at serbisyo dito."

Ang Olympic Village ay nasa loob ng Olympic Park, maganda ang kapaligiran, maginhawa ang komunikasyon at hindi lumampas sa 3000 metro ang layo mula rito hanggang sa Bird's Nest. Ipinakikita rin ng desenyo ng Olympic Village ang elemento ng Tsina. Isinalaysay ni Deng Yaping, Pangalawang Ministro ng Olympic Village ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, na:

"Upang tulungan ang mga manlalarong dayuhan na mas mabuting alamin ang kulturang Tsino, espesyal na ina-arange namin dito ang Chinese tea shop na mag-alok ng tradisyonal na tea ceremony. Makikita pa dito ang paggawa ng kite, paper-cut, needlework at iba pang folk arts na pangsibilyan."

Bukod dito, puwedeng magtamasa ang mga manlalaro ng serbisyong internasyonal sa Olympic Village. Halimbawa, ditto may mga newsstand ng mga diyaryo, magasin at libro mula sa iba't ibang bansa ng buong daigdig.

Para mapadali ang interbiyu ng mga medya ng iba't ibang bansa, ang mga tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ay nagkakaloob sa mga newmen ng pagkatig sa aspekto ng teknolohiya at pamumuhay.

Sa kasaysayan ng Olimpiyada, ang Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games o BOCOG ay kauna-unahang nagkaloob ng serbisyo sa mga rehistradong reporter ng wireless networks, kauna-unahang ipinasailalim sa wireless networks ang lahat ng purok ng paligsahan at kauna-unahang itinatag ang walang bayad na cybercafé. Pinapurihan ni Hein Verbruggen, tagapangulo ng Lupon ng Pagkokoordinahan ng Beijing Olympic Games ng IOC, ang pagsisikap ng Tsina sa serbisyong medya. Sinabi niyang:

"Ang MPC ay hindi lamang lugar na pinagtatrabahuhan ng mga reporter, ito rin ang ikalawang pamilya nila. Nagtatrabaho sila dito 24 na oras bawat araw at nagkakaloob ng iba't ibang inpormasyon para sa kanilang mga audience. Dapat pasalamatan namin ang mga taga-organisa, nag-alok sila sa kanila ng lahat nilang kinakailangan at matagumpay na ginawa nilang isang pamilya ng lahat ng medya ng daigdig ang lugar na ito."

Ayon sa pagsalaysay, sa panahon ng Beijing Olympic Games, mga 600 tahanan ng Beijing ang nakahandang tanggapin ang mga turistang dayuhan.

Kaugnay ng magiliw na paanyaya ng mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Ebun Olatoye, isang free-lancer ng Nigeria, ang banyang pag-antabay na tumira sa tahanan ng mga residente ng Beijing. Sinabi niyang:

"Interesado ako sa pagkain ng Tsina. Sa katunayan, labis na gusto kong tumira sa isang pamilyang Tsino at alaming kung papaanong silang maluto."

Si Fuwa Jingjing ay hindi lamang kaibig-ibig, puno siya ng kasiglahan. Sa panahon ng 7 taong paghahanda ng Tsina para sa Beijing Olympic Games, kahit nakaranas ang Tsina sa SARS, pananalasa ng niyebe, lindol at iba pang kalamidad, at napanaigan ng mga mamamayang Tsino ang mga kahirapan at tinupad ang pangako nito sa IOC.

Si Fuwa Beibei ay isang isda. Sa tradisyonal na kultura ng Tsina, ang "isda" at "tubig" ay palatandaan ng kasaganaan at bunga. Binalik-tanaw ang nakaraang 7 taon, ang pitong taong ito ay proseso ng pagpapatupad ng pangarap at pag-aani ng bunga.

Dahil sa paghahanda para sa Beijing Olympic Games, mas mabuti ang naging panahon ng Beijing at nakakintal sa isap ng mga mamamayan ang pangangalaga sa kapaligiran. Halimbawa, kusang loob na binabawasan ang paggamit ng plastic bag, hangga't maaari'y gamitin ang public transportation sa halip ng private car at iba pa.

Kasabay nito, sa pagtatatag ng mga venues ng Beijing Olympic Games, unang una'y isinaalang-alang ang paggamit at pag-unlad ng mga venues pagkatapos ng Olimpiyada. Halimbawa, pagkatapos ng Beijing Olympci Games, ang National Aquatics Center ay magiging pinakamalawak at pinakamalaking sentro ng larong pantubig ng Beijing.

Para sa mga turistang dayuhan, ang Beijing Olympic Games ay isang magandang pagkakataon para sa pag-kaunawa sa Tsina. Kasabay nito, nagpapahigpit ang Olympic Games ng kaugnayan ng Tsina at daigdig.

Ito ay musikang inilarawan ang Fuwa Nini, isang langaylangayan na lumilipad sa langit at nagpakita ng isang bukas na kaisipan. Sa proseso ng paghahada para sa Olimpiyada, isinakatuparan naman ang patakaran ng bukas na pagdaraos ng Olimpiyada. Tinasahan ni Porturlin, Ispiker ng Parliamentong Europeo, na:

"Sa pamamagitan ng ulat ng media, ipinaalam sa buong daigdig ang impormasyon hinggil sa Olimpiyada. Kaya sa palagay ko, ang Beijing Olympic Games ay isang palatandaan ng pagkakaisa at pagbubukas ng buong daigdig."

Ang prosesong ito ay proseso naman ng ibayo pang pagbubukas ng Tsina. Nitong 7 taong nakalipas, lumahok ang Tsina sa World Trade Organization o WTO, nagsusog ng regulasyon sa pangangasiwa sa mga dayuhang media at mas bukas at maliwanag ang impormasyon galing sa pamahalaan... Ang bansag ng Olimpiyada na 'One World, One Dream' ay lubusang nagpapakita ng pagkaunawa ng Tsina sa diwa ng Olimpik.

Ang mga stadium ng Olimpiyada na gaya ng Bird's Nest at Water Cube ay namumukod na katha ng mga dalubhasang tagapagdesenyo sa loob at labas na bansa. Ang sagisag, wisit, marke, sulo at iba pa ng Olimpiyada ay ibinunga ng pagpapakahirap ng mga dalubhasang pansining sa buong daigdig.

Sa panahon ng Olimpiyada, paparito ang halos 30 libong mamamhayag na galing sa iba't ibang bansa ng daigdig at aktibo at bukas-loob na sasalubungin sila ng Beijing. Noong unang araw ng Enero ng nagdaang taon, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang regulasyon hinggil sa pagkokober ng mga dayuhang mamamahayag sa Tsina sa panahon ng paghahanda at ng Olimpiyada. Tinanggal sa regulasyong ito ang ilang presidyur na dapat sundin ng mga dayuhang mamamahayag sa Tsina. Tinukoy ng ika-6 na artikulo ng regulasyon na matutuloy ang panayam sa Tsina, kung makakakuha lamang ang mga dayuhang mamamahayag ng pagsang-ayon ng mga interviewee. Kaugnay nito, binigyang-diin ni Liu Jianchao, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na:

"Patuloy na magsisikap kami para mapadali ang pagkokober ng mga dayuhang mamamahayag sa Tsina, ito ay aming determinasyon at naniniwala akong hangarin rin nila naman."

Ang Fuwa Nini ay isang langaylangayan na naghahatid ng impormasyon ukol sa tag-sibol, kasiyahan at kabiyayaan sa mga tao. Sa pamamagitan ng mga taong pagsisikap, sa kauna-unahang pagkakataon ang Tsina ay naging host bansa ng modernong Olimpiyada at nagpadala sa Tsina ang buong daigdig ng pinakamagandang pagpapala.

Tingnan natin kung ano ang sinabi rito ni Bong Osorio, Vice President ng ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Narito naman ang boses ni Antonio Ventosa, Director ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

Pagkatapos ng seremonya ng pagbubukas ngayong gabi, sisimulan bukas ang unang araw ng paligsahan ng Olimpiyada at para sa mga delegasyon ng iba't ibang bansa, umaasa silang matatamo ang mabuting rekord sa Olimpiyadang ito.

Ang narinig ninyong boses ay sina Gina Calaguas, Executive Assistant ng Philippine Olympic Committee at Julian Camacho, Treasurer ng POC at nanunuparang Chief de Mission ng delegasyong Pilipino.

Ang Olimpiyang Pilipino ay lalahok sa mga events na gaya ng Archery, Athletics, Boxing, Diving, Shooting, Swimming, Taekwondo, weightlifting at Wushu.

Ang manlalarong Tsino sa Gym na si Li Xiaopeng ay 3 beses na lumahok sa Olimpiyada. Kaugnay ng paglahok sa Olimpiyadang ito, napakasigla niya:

"Espesyal ang damdamin ko, dahil ang paglahok sa Beijing Olympic Games ay ikinararangal ng mga Tsino, lalo na ng bawat manlalarong Tsino. Umaasa akong gaganap ng pinakamataas na kahusayan sa paligsahan, ipapakita ang bunga ng masikap na pagsasanay ko."

Kutitap ng 5 rings at napakainit ng flames. Ang Olimpiyada ay hindi lamang plataporma ng pagpapakita ng kahusayan ng mga manlalaro ng iba't ibang bansa at pangingibabaw ng kanilang sarili, kundi ay tulay ng pagpapalitan at pag-uugnayan ng mga kultura ng iba't ibang nasyonalidad at arena ng paghanap ng sangkatauhan ng magkakasamang pangarap na "kapayapaan, pagkakaibigan at kaunlaran".

Ang Olimpiyadang ito ay isang dakilang pagdaop-palad ng kilusan ng Olimpiyada at sibilisasyong Tsino, mainit na pagyakap ng mga kultura ng iba't ibang bansa at Tsina at isang masiglang diyalogo ng sibilisasyong kaluranin at silanganin. Ang bansag na "One World, One Dream" ay buhay na nagpapakita ng pag-asa ng mga mamamayang Tsino sa Olimpiyada. Sinabi ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na:

"Ang bansag na ito ay nagpapakita ng aming matapat na hangarin na nakahanda ang mga mamamayang Tsino, kasama ng mga mamamayan sa iba't ibang bansa sa daigdig at sa panawagan ng diwa ng Olimpik, na pahigpitin ang pagtutulungan at pagpapalitan, magkakasamang kathain ang bagong kabanata ng kilusan ng Olimpiyada at likhain ang mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan."

Sa susunod na 16 na araw, ang mga manlalaro na galing sa apat na sulok ng daigdig ay magpapakita sa Beijing ng diwa ng Olimpik na "mas mabilis, mas mataas at mas malakas" sa pamamagitan ng kanilang mahusay na performance at ng kaganggata ng Olimpik na mas mahalaga ang pagsangkot sa tagumpay sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na aksyon. May dahilan ang mga tao na naniniwalang sa ilalim ng bandila ng 5 rings, ang Beijing Olympic Games ay lilikha ng bagong rekord ng kilusan ng Olimpiyada at magtutugtog ng baong musika ng "kapayapaan, pagkakaibigan at kaunlaran".