• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-09 16:51:52    
Seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympics, hinahangaan ng mga dayuhan

CRI

Idinaos kagabi sa Pambansang Istadyum ng Tsina o Bird's Nest ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games na ang punong direktor nito ay si Zhang Yimou, kilalang direktor na Tsino. Ang maringal at makulay na seremonyang ito ay pinapurihan hindi lamang ng mga manonood sa istadyum, kundi rin ng mga dayuhang manonood at mamamahayag.

Si Nakagawa Mihoko, puno sa international communications ng Tokyo 2016 Olympic Games Bid Committee, ay nagbigay ng mataas na pagtasa sa seremonyang ito. Anya,

"Napakaganda ng seremonyang ito. Puno ito ng ekspresibong lakas at naramdaman namin ang puwersa ng Tsina. Ipinakita ng mga palabas ang mahabang kasaysayan at malalim na kultura ng Tsina. Sa wakas, sa sandaling nagtipun-tipon ang mga manlalaro ng buong daigdig, totoo namin naramdaman na ang Olimpiyada ay isang plataporma para sa pagpapalitan ng mga tao."

Sinabi ni Gracian Saura, mamamahayag ng isang pahayagan ng Barcelona ng Espanya na:

"Napakahusay ng ginawa ni direktor Zhang Yimou at nagtaka ako nang labis sa ilang bahagi ng seremonya. Hindi nakakaabot sa lebel ng seremonyang ito ang mga iba pang seremonya kong pinanood. Nagugustuhan ko ang sremonyang ito. Halimbawa, ang countdown sa saliw ng pagtugtog ng bombo at calligraphy ay kapwa elementong kumakatawan sa kulturang Tsino."

Sinabi ni Alexader Moskalenko, manlalarong Ruso na nagwagi ng medalyang ginto sa men's trampolining sa Sydeney Olympics na:

"Na-shock ako mula simula hanggang wakas ng seremonya. Napakaganda ng buong proseso mula pagtugtog ng bombo hanggang pagsindi ng sulo ni Li Ning. Nananalig akong ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games ay pinakamaganda sa nagdaang mga Olimpiyada."

Si Said Al-Maliky ay puno ng sports channel ng Oman Television Station at siya rin ay torch bearer ng Beijing Olympic torch relay sa Oman. Kaya, mayroon siyang espesyal na damdamin sa Beijing Olympic Games, sinabi niyang:

"Kahanga-hanga ang seremonyang ito. Tulad ng inaasahan ko, natamo ngayon ng mga mamamayang Tsino ang bagong tagumpay. Tuwang-tuwa ako dito. Ang Tsina ay isang bansang Asyano at mahigpit ang relasyon ng tagumpay ng Tsina sa atin, kaya dapat pagpalain natin ang Tsina."

Ang paraan ng pagsindi ng sulo ng Olimpiyada ay isa sa mga pinakamalaking tampok ng mga tao. Lubos ding mapanlikha ang paraan ng pagsindi ng sulo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Sinabi ni Vladimir Makarov, isang negosyanteng Ruso na:

"Sa palagay ko, tamang tama ang pagpili ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games na si Li Ning ay nagsindi ng sulo. Mapanlikha ang paraang ito ng pagsindi ng sulo na hindi pa kong nakita at nag-iwan ito ng pianakamalalim na impresyon sa akin."

 Salin: Jason