• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-09 22:46:14    
6 na bansa, nagbahagi ng 7 medalyang ginto sa unang araw ng Beijing Olympics

CRI
Pinaglabanan ngayong araw, unang araw ng Beijing Olympic Games, ang 7 medalyang ginto.

Ang unang medalyang ginto ng kasalukuyang Olimpiyada na mula sa women's 10m air rifle shooting ay napasakamay ni Katerina Emmons ng Czech.

   

Magkakahiwalay na natamo ng dalawang manlalarong Tsino na sina Chen Xiexia at Pang Wei ang medalyang ginto sa women's 48kg weightlifting at men's 10m air pistol shooting.

Ang ika-4 na medalyang ginto ay napasakamay ni Samuel Sanchez, manlalaro ng Espanya, sa men's cycling road race.

   

Dalawa namang medalyang ginto ay mula sa judo event. Nakuha ni Alina Alexandra Dumitru mula sa Romania ang isa sa women's 48kg at nakuka naman ni Choi Minho mula sa Timog Korea ang isa pa sa men's 60kg.

Napasakamay ni Mariel Zagunis mula sa E.U. ang huling medalyang ginto sa women's individual sabre fencing.

Salin: Liu Kai