• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-11 14:14:36    
Ang Ating mga Pangarap, Awit ng Olimpiyada, Wang Feng

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.

Sabi ni Lily Pilar ng Swiss Hotel Beijing, ang Olympics daw ay hindi lamang para sa mga manlalaro at kanilang coaches; ito ay para rin sa masang-bayan.

Iyan, narinig ninyo ang sariling version ni Wong Lee Hom ng awiting "Isang Mundo, Isang Pangarap." Last time narinig ninyo ang version ni Guan Zhe.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Olympic Songs ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Sabi ni Let Let Alunan ng Germany: "Wala ako sa Beijing pero dama ko ang kasiyahan ninyong lahat sa pagbubukas ng dakilang Palaro. Masasaksihan ng buong mundo ang Olympics ng bagong panahon. Ito ay tunay na Olympics na may malasakit sa kapaligiran at kalikasan at Olympics na hindi maaksaya sa pinagkukunang-yaman. Binabati ko ang Beijing!"

Thank you.

Wang Feng at ang awiting "Ang Ating mga Pangarap."

Narito naman ang short note ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Sa mga naging host ng Olympics, ang Beijing lang sa tingin ko ang may pinakamaraming efforts na ginawa para sa pagpapasulong ng tunay na diwa ng Olympiad in general at marami rin itong efforts para sa pagpapasulong ng magandang kapaligiran at mabuting kalusugan ng mga mamamayan. Congrats sa organizers!"

Thank you, Pablo.

Iyan naman ang "Kaluwalhatian" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Guo Rong.

Mga SMS pa.

Sabi ng 0049 242 188 210: "Binabati ko, Kuya, ang mga nasa likod ng tagumpay ng Beijing Olympics. Marami silang pinasaya sa iba't ibang lugar ng mundo!"

Sabi naman ng 919 426 0570: "Kahit wala ako sa Beijing, haping-happy ako sa pagsisimula ng Olympics na matagal na naming hinihintay."

Thank you sa inyong SMS.