Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing si pangulong Hu Jintao ng Tsina kay Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya. Sa pagtatagpo, pinasalamatan ni Hu ang pagkatig ng Kambodya sa Tsina sa panahon ng pagbibiding at paghahanda nito ng Olimpiyada. Lubos na pinapurihan ni Hu ang ambag ng royal family ng Kambodya sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Kambodya. Ipinahayag naman ni Sihamoni na pinasalamatan ng royal family, pamahalaan at mga mamamayan ng Kambodya sa tulong ng Tsina at patuloy nilang igigiit ang pagpapaunlad ng pangkapitbansaang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Nakipagtagpo noong Biyernes sa Beijing si Pangulong Hu Jintao ng Tsina kay S.R. Nathan, Pangulo ng Singapore. Winelkam ni Pangulong Hu ang panonood ni Nathan sa Olimpiyada, pinasalamatan niya ang pagkatig ng Singapore sa Beijing Olympic Games at bumati sa mga manlalaro ng Singapore na matatamo ang mabuting resulta sa paligsahan. Ipinahayag naman ni Nathan na maganda ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, maayos na tumatakbo ang mga paligsahan at masayang nagpapalitan ang mga kaibigan mula sa iba't ibang bansa ng daigdig. Ipinakikita nito ang diwang "One World, One Dream"at ang ideya ng Tsina sa pagtatatag ng may-harmonyang daigdig. Ipinahayag din ni Hu na nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng Singapore, para mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng kanilang relasyon.
Sinabi noong Martes sa Beijing ni Gou Lijun, direktor ng lupong tagapamalaha ng Binhai New Area ng Tianjin, na ang proyekto ng ecological city ng Tsina't Singapore sa Binhai New Area ay pumasok na sa yugto ng pagsasagawa. Noong Nobyembre ng 2007, lumagda ang mga pamahalaan ng Tsina't Singapore sa kasunduan hinggil sa pagtatatag ng ecological city sa naturang purok. Ayon sa plano, ang lunsod na ito na halos 30 kilometro kuwadrado ang saklaw ay matatapos ang konstruksyon sa loob ng 10 hanggang 15 taon.
Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa adwana ng Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina na noong unang hati ng taong ito, mahigit 1 bilyong Dolyares ang halaga ng maliit na kalakalan sa purok-hanggahan ng Guangxi at ASEAN at ang proporsiyon nito sa kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig ay umabot sa 47%. Kabilang dito, 400 milyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat at 500 milyon naman ang halaga ng pagluluwas. Ang naturang halaga ng kalakalan ay lumaki ng mahigit 90% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
|