• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-21 15:54:30    
Pagtitipon sa Beijing, magkikita sa kinabukasan

CRI
Ipininid kamakailan dito sa Beijing ang 12 araw na Beijing 2008 Olympic Youth Camp. Nitong isang daang nakalipas, nahulaan minsan ni Pierre De Coubertin, ama ng modernong Olimpiyada na makapagkakaloob ang Olympic Games ng isang pagkakataon para sa mga kabataan ng buong daigdig na magtipun-tipon, nang sa gayo'y, pasusulungin ang kapayapaan ng buong sangkatauhan. Mula sa panahong iyan, mahigpit na iniuugnay ng Olympic Games, lalong lalo na Olympic Youth Camp na sinimulan sa Stockholm Olympic Games noong taong 1912, ang mga kabataan ng iba't ibang bansa.

Sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing Olympic Youth Camp, bumigkas ng talumpati si Zhao Dongming, direktor ng departamento ng mga aktibidad ng kultura ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, pangkalahatang kalihim ng Youth Camp na

"Taong pusong binabati ko ang bawat miyembro na palagiang mapanatili ang kasiglahan ng Olimpiyada, palagiang matandaan ang matapat na pagkakaibigan, magkasamang tugtugin ang bagong music movement ng kapayapaan, kooperasyon at pag-unlad ng limang kontinente sa pamamagitan ng kabataan."

Ang tema ng Youth Camp na ito ay "pagkaranas ng Olympic Games", "pagpapalitan, pag-aaral" at "pagkaunawa sa Tsina", halos 500 kabataan mula sa mahigit 200 bansa at rehiyon ang nagtipun-tipon dito sa Beijing, nanood sila ng seremonya ng pagbubukas at mga paligsahan ng Olympic Games, nagsagawa ng aktibidad ng pagpapalitan at pag-aaral, bumisita pa ng mga scenic spot at cultural relics ng Beijing. Napalalim ng mga kabataan ang pag-uunawaan at pagkakaibigan sa loob ng 12 araw.

Nang kapanayamin siya ng mamamahayag ng CRI, sinabi ni Mudassir Umar, isang miyembro mula sa Nigeria na sa loob ng 12 araw, kinaibigan niya ang maraming tao mula sa iba't ibang bansa at rehiyon. Sinabi niyang:

"kinaibigan ko ang maraming tao mula sa Fiji, Puerto Rico, New Zealand, Brazil, Portugal at iba pa, maramaing-marami, nakasalamuha nang mabuti kami, bagama't magkakaiba ang aming wika, nagpalitan kami sa Igres."

Ang tema ng Beijing 2008 Olympic Games ay" isang mundo, isang pangarap", naipakita ito sa Youth Camp na ito. Sinabi ni Yang Xuelun, pangalawang direktor ng Youth Camp na ang tema ng kasalukuyang Olympic Games ay "isang mundo, isang pangarap", at ang islogan ng aming kampo ay "paglikha ng mga kabataan ng kinabukasan". Sa katotohanan, ang nasabing islogan ay nasa ilalim ng dakilang temang ito, Ipinakikita rin nito ang isang parehong isip, lahat ng mga kabataan ang may komong kinabukasan, komong magandang paghanap.

Ayon sa salaysay ni Yang Xuelun na sadyang isinaayos ng tagapag-organisa ang mga kabataan mula sa iba't ibang ethnic group, rehiyon, kultura, backgroup at relihiyon sa isang dormitoryo o isang pangkat para ipagkaloob sa kanila ang mas maraming pagkakataon na palalimin ang pag-uunawaan, mapawi ang alitan at maging pagkapoot, magkakasamang hanapin ang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng buong daigdig.

Sa loob ng 12 araw, ibayo pang inaalam ng mga miyembro ang katuturan ng "isang mundo, isang pangarap", sinabi ni Losel Thupton, isang batang lalaki mula sa Bhutan na

"Iba't iba ang skin color, pamilya, ethnic group namin, pero, meron kaming isang katulad na daigdig, isang katulad na pangarap, na alalong baga'y kapayapaan at pagbabahagi ng Olympic spirit, pagkakaibigan at pagpapalitan sa pagitan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa."

Salin: Sissi