Ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ni Zhao Chunluan, namamahalang tauhan ng Beijing Disabled Persons' Fedration o BDPF, na nitong ilang taong nakalipas, malaking pinapaunlad ang usapin hinggil sa mga may kapansanan sa Beijing, at walang humpay na ipagpapatuloy ang pagpapabuti nito sa hinaharap.
Sa Beijing, may halos 100 libong may kapansanan na lumanpas sa 6% ng kabuuang populasyon ng buong lunsod at may kinalaman ang mga ito sa 2.6 milyong miyembro ng pamiliya. Ang malaking espesyal na grupong ito ay nangangailangan ng tulong mula sa lipunan.
Isinalaysay ngayong araw ni Zhao Chunluan ng BDPF na noong nakaraang ilang taon, inilaan ng pamahalaan ng Tsina sa iba't ibang antas ang malaking pondo at isinagawa ang isang serye ng patakaran para pabutihin ang kalagayan ng pamumuhay ng mga may kapansanan at igarantiya ang karapatan at interes nila. Malaki ang pag-unlad ng usapin hinggil sa mga may kapansanan sa Tsina na kinabibilangan ng Beijing.
"ang mga patakaran ng pamahalaan ay kinabibilangan ng patakaran ng paggarantiya ng lipunan, patakaran hinggil sa pagpapasulong ng pagkahanap-buhay ng mga may kapansanan, at patakaran hinggil sa paggarantiya ng karapatan ng mga may kapansanan na pantay-pantay na lumahok sa pamumuhay ng lipunan. "
Tulad ng sinabi ni Zhao, ang mga patakaran na nakakatulong sa mga may kapansanan ay sumaklaw sa bawat larangan ng pamumuhay nila. Sa larangan ng komunikasyon, halimbawa, para sa pagpapadali ng pamamasiyal ng mga may kapansanan, itinakda ng Beijing ang regulasyon hinggil sa konstruksyon at pamamahala sa mga walang-barrier na pasilidad. Kasabay nito,ang mga bagong lansangan at pampublikong pasilidad sa lunsod ay kinabitain ng mga non-barrier facilitis. Sinabi ni Zhao na kasabay ng palapit ng Paralympics, pinabilis ang konstruksyon ng pasilidad.
Bukod dito, itinatag sa Beijing ang 150 sentro para sa mga may kapansanan. Sa mga sentrong ito, mga may kapansanan ay maaaring lumahok sa pagsasanay para s apaghahanap-buhay at sa gma akdibidad na pampalakasan at pangkultura. Sinabi ni Zhao na:
"sa pamiliya ng may kapansanan, ang mga bulag ay maaaring mag-aral ng teknolohiya. Ilang bulag ay nagpatakbo ng on-line tindahan. "
Ang Chen Xiaojing ay ina ng isang batang retarded. Isinalaysay niyang ang bata niya ay pumunta sa sentro ng may kapansanan bawat araw at
napakaganda ng resulta.
"ang mga guro ay nagtuturo sa kanila ng paggawa ng maraming bagay natuturo sila sa paggawa ng ilang magaang gawain at may kita pa sila. "
Ipinahayag ni Zhao na sa kasalukuyan, ang pagtatatag ng gayong sentro, may kapansanan ay nananatiling sa proseso ng aktibong paggagalugad. Sa hinaharap, walang humpay na tataas ang lebel at darami ang bilang ng gayong sentro.
|