• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-02 17:46:02    
Ngiti, pinakamabuting kard ng Beijing

CRI

Sa katatapos na Beijing Olympic Games, ang mga 1.47 milyong boluntaryo ay nagserbisyo sa iba't ibang larangang gaya ng pag-oorganisa ng mga paligsahan, pangangalaga sa seguridad, paggarantiya sa transportasyon at takbo ng lunsod. Ang maingat at komprehensibong serbisyo ng mga boluntaryo ay natamo ang mabuting pagtasa mula sa buong daigdig. At dahil dito, sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing Olympic Games, dinagdag ng International Olympic Committee o IOC ang seremonya ng pag-aalay ng mga pumpon ng mga bulaklak sa mga kinatawan ng mga boluntaryo.

Ang 25 taong gulang na si Panthipa Asavatheputhai ay taga-Thailand. Ngayon, nag-aaral siya para sa doctorate sa Beijing Foreign Studies University na mayor sa wikang Tsino at Thai. Noong 2004, dumating si Panthipa Asavatheputhai sa Beijing para mag-aral at mula roon, nagsimula niyang unawain ang Tsina at bigyan ng pansin ang Beijing Olympic Games.

Sa panahon ng Beijing Olympic Games, pumunta sa Beijing ang maraming manlalaro, mamamahayag at turistang dayuhan, ang wika ay pangunahing problema nila. Kaya, espesyal na kinalap ng BOCOG ang mga boluntaryong marunong sa iba't ibang wika. At si Panthipa Asavatheputhai ay isa sa kanila. Hinggil sa gawain bilang isang boluntaryo, ikinararangal ito niya, sinabi niyang:

"Umiisp akong mag-aplay muli para sa maging boluntaryo sa Beijing Paralympic Games. Para sa akin, ito ay isang pagkakataong mahirap na natamo. Marami kong kaibigan ang nag-aplay para mag-aral sa Beijing, ang layunin nila ay para lamang maging isang boluntaryo sa Beijing Olympic Games."

Ang karamihan ng mga boluntaryo sa Beijing Olympic Games ay mga undergraduate at ang ilan ay galing sa ibayong dagat. Si Wang Fang ay isang graduate ng Bath University ng Britanya at siya rin ang asistente ng puno ng delegasyon ng palakasan ng Britanya. Sa panahon ng Beijing Olympic Games, napakaabala niya. Bawat araw, tinanggap niya ang maraming opisyal at interbyu ng mga medya. Madaling araw na kung makakatuloy siya bawat araw, ngunit, Masaya siya. Sinabi niyang nitong nakalipas na ilang araw, sumama man siya sa kanilang grupo ng Britanya o naghuntahan sila ng mga bisitang dayuhan, nakadarama siyang mismo ng pagmamalaki bilang isang Chinese. Sinabi niyang:

"Nang tanungin ko ang puno ng delegasyon ng Britanya kung ano ang impresyon niya sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, ang sagot ay: pinakamabuti sa lahat niyang lumahok na 12 Olympic Games. Anya, ang Beijing Olympic Village ay pinakamabuti rin. Gayon ang sinabi niya sa kahit anong medya. Bilang isang Tsino, talagang ikinararangal ko."

Maraming boluntaryo ang nagserbisyo sa mga kalye at liwasan ng lunsod para magbigay ng may kinalamang inpormasyon para sa mga bisita. Sa Beijing Shijingshan Amusement Park, may isang stop na binubuo ng mga boluntaryong undergraduate. Bawat araw, nag-akay sila at nagkaloob ng tulong sa mga bisita mula alas-9 ng umaga hanggang alas-17 ng hapon. Sinab nilang:

"Ang Olimpiyada ay malakiang pagtitipon ng buong nasyon, ikinararangal ko ang paglahok sa gawaing ito."

"Kahit mahirap, Masaya ako."

Bukod sa mga kabataan, ang mga matanda ay nagserbisyo sa mga kalye para magturo ng daan para sa mga panauhin. Ang 66 na taong gulang na si Chang Zhifu ay isa sa kanila. Sinabi niyang:

"Minamahal ko ang Olimpiyada at gustong gusto kong tulungan ang iba. Ang pagiging boluntaryo ay mainam na pagkakaisa ng dalawa. Para bigyan ng mas mabuting serbisyo, gumawa ako ng maraming paghahanda. Natuto ako ng first aid, wikang Ingles at hand language"

Kahit ipininid na ang Beijing Olympic Games, nag-iwan ang mga boluntaryo ng malalim na impresiyon sa mga bisita at sinabi nilang ang ngiti ay pinakamabuting kard ng Beijing.